Dredging at offshore mining sa Lingayen Gulf, kinundena ng PPSE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,645 total reads

Mariing kinondena ng Pangasinan People’s Strike for the Environment (PPSE) ang nagpapatuloy na dredging at offshore mining operations sa Lingayen Gulf na pinangungunahan ng mga dayuhang mining corporations at malalaking negosyo.

Ito ay matapos maiulat ng mga mangingisda noong May 24, 2026 ang pagkakakita sa panibagong barkong pangmina sa paligid ng kanilang mga pook-pangisdaan sa Lingayen Gulf.

Ayon sa PPSE, lubhang naaapektuhan ng malawakang pagmimina sa karagatan ang kalikasan, kabuhayan ng maliliit na mangingisda, at seguridad sa pagkain ng mamamayan.

“Habang tuloy-tuloy ang malawakang extraction sa ating mga yamang mineral, kalikasan at kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda ang siyang lubos na naaapektuhan,” pahayag ng PPSE.

Sa inilabas na video ng isang mangingisda, makikitang hinahalukay ng dredging vessel ang ilalim ng dagat habang umaangat ang itim na buhangin at lumalabo ang tubig sa karagatan.

Iginiit ng PPSE na hindi simpleng paghuhukay ang nagaganap kundi malawakang offshore mining operations na maaaring magdulot ng matinding pinsala sa yamang-dagat at mga baybaying komunidad sa loob ng maraming taon.

Ayon pa sa grupo, pinipinsala ng operasyon ang tirahan ng mga isda at iba pang lamang-dagat, ginagambala ang mga pook-pangisdaan, at nagdudulot ng polusyon, ingay, at panganib sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Binanggit din ng PPSE ang iba pang banta sa Lingayen Gulf kabilang ang Labrador Nuclear Power Plant at waste-to-energy incinerator project sa Dagupan na maaaring makadagdag sa pinsala sa kalikasan sa lalawigan.

“Habang patuloy na kumikita ang mga dayuhan at nasa kapangyarihan, ordinaryong mangingisda at mamamayan naman ang pinagkakaitan ng karapatan sa isang masaganang dagat sa ngalan ng pekeng pag-unlad na hindi nakaugat sa interes ng nakararami,” giit ng PPSE.

Kasabay nito, nanawagan ang grupo sa mga lokal at pambansang ahensya ng pamahalaan na agarang ihinto ang offshore mining operations at papanagutin ang mga responsable sa mapaminsalang pagmimina sa karagatan.

Iginiit ng PPSE na ang sama-samang pagkilos ng mamamayan ay mahalaga upang mapangalagaan ang karagatan, kabuhayan, at likas na yaman laban sa dayuhang pandarambong at mapaminsalang proyekto.

“Dahil gaya na lamang ng matagumpay na paghinto ng pagpapatayo sa ikalawang Sual Coal Power Plant at pagmimina sa mga kabundukan ng Dupax Del Norte sa Nueva Vizcaya, walang imposible sa diwa ng sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa ating karapatan at kabuhayan.” ayon sa PPSE.

Nakasaad sa Laudato Si’ ni Pope Francis na ang kalikasan ay hindi lamang pinagkukunan ng kita kundi isang biyayang dapat pangalagaan para sa kapakanan ng kasalukuyan at susunod na mga henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 43,391 total reads

 43,391 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 80,973 total reads

 80,973 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 116,270 total reads

 116,270 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 342,540 total reads

 342,540 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 233,398 total reads

 233,398 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 153,832 total reads

 153,832 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top