Cardinal Advincula, umaapela ng pagkakaisa at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,028 total reads

Umapela ng pagkakaisa at kapayapaan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa gitna ng umiiral na pagkakahati-hati sa lipunan.

Ito ang panawagan ng kardinal sa nalalapit na pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus sa June 12 na kasabay ngayong taon ng paggunita sa Araw ng Kalayaan.

Sa kanyang mensahe para sa Buwan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, hinikayat ng kardinal ang mga mananampalataya, pamilya, parokya, paaralan, at mga komunidad na muling italaga ang kanilang sarili sa Puso ni Kristo.

Ayon kay Cardinal Advincula, nananatiling mahalagang sandigan ang pananampalataya sa panahon ng mga hamon at pagkakawatak-watak sa lipunan.

“In these times marked by uncertainty, conflict, and deep political divisions, we are called to return to the Heart of Jesus, the true source of peace, compassion, and unity,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pagkakapatiran at paggalang sa kabila ng magkakaibang paniniwala at pananaw sa pulitika.

“We pray as well for our beloved country, that amid differences in political views and convictions, we may never lose our sense of fraternity, respect, and common responsibility for the good of the nation,” ani ng kardinal.

Hinimok rin ng arsobispo ang mga mananampalataya na isabuhay ang debosyon sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus sa pamamagitan ng pagkakawanggawa, pagpapakumbaba, pagpapatawad, at pagmamalasakit sa mga mahihirap, mga nagdurusa, at mga nakakaramdam ng pag-iisa at pagkalimot.

Nanawagan din si Cardinal Advincula ng panalangin para sa kapayapaan sa buong mundo at para sa mga pinuno ng mga bansa upang manaig ang dayalogo at matigil ang karahasan.

Dalangin ng kardinal na nawa’y maghari ang Kamahal-mahalang Puso ni Hesus sa puso ng bawat tao, sa bawat tahanan, at sa buong bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 22,579 total reads

 22,579 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 108,074 total reads

 108,074 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 145,447 total reads

 145,447 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 176,706 total reads

 176,706 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 248,551 total reads

 248,551 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top