Tularan ang birheng Maria sa pagpapalaganap ng pananampalataya at paglilingkod sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 316 total views

Manalangin sa higit na paggabay ng Mahal na Birheng Maria upang mapalapit sa Panginoong Hesukristo at maisulong ang kapayapaan.

Ito ang pagninilay ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. sa misang pinangunahan kasama ang mga Pari mula sa Diocese of Cubao para sa Episcopal Coronation ng Imahen ng Our Lady of the Sacred at kauna-unahang Cubao Grand Marian Procession na idinaos sa Most Redeemer Parish sa Brixton Hills Quezon City.

Ayon kay Bishop Ayuban, ang tunay na debosyon kay Maria ay laging umaakay sa mga mananampalataya patungo sa kanyang Anak at nagtuturo ng pagmamahal sa Diyos at kapwa.
“Mama Mary gives way because she does not draw people to herself, she draws people to Christ, her Son. There is no Marian devotion that does not lead us to Jesus because the surest way to reach the Lord s through His Mother,” ayon sa pagninilay ni Bishop Ayuban.

Ayon pa sa Obispo, si Maria ang huwaran ng pakikiisa sa gawain ng kaligtasan dahil sa pamamagitan ng kanyang matapat na pagtugon sa kalooban ng Diyos.
Hinikayat ng Obispo ang mga deboto na tularan ang Mahal na Ina bilang katuwang sa pagpapalaganap ng pananampalataya at paglilingkod sa kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Kasabay ng pagdiriwang ang paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Santisima Trinidad, kung saan ipinaalala ni Bishop Ayuban na ang Diyos ay isang komunyon ng pag-ibig at pagkakaisa kaya nanawagan siya sa mga mananampalataya na isabuhay ang pagkakabuklod bilang isang pamayanan ng pananampalataya at maging tunay na saksi ng pag-ibig ng Diyos sa mundo.

“Pwede tayong magbigay na hindi tayo nagmamahal. Pero hindi tayo pwedeng nagmamahal na hindi nagbibigay. That’s why God so loved the world… He gave His only begotten Son, not to condemn, but to save,” bahagi pa ng pagninilay ni Bishop Ayuban.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, inihayag din ng Obispo ang hangaring maging isang “Diocese Amante de Maria” o Diyosesis na umiibig at may malalim na debosyon sa Mahal na Birhen, kasabay ng panawagang gawing tradisyon ang taunang pagdiriwang upang patuloy na mapanibago ang pananampalataya ng sambayanan.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng Simbahan ang mga mananampalataya na tularan ang kababaang-loob, pananampalataya, at pagsunod ni Maria bilang landas tungo sa mas malalim na pakikipag-isa kay Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 2,203 total views

 2,203 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 52,887 total views

 52,887 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 59,016 total views

 59,016 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 89,124 total views

 89,124 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 108,241 total views

 108,241 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magnifica Humanitas, pinuri ng EOF

 5,173 total views

 5,173 total views Pinuri ni Economy of Francesco Foundation Scientific Coordinator – Luigino Bruni ang kauna-unahang encyclical ni Pope Leo XIV na pinamagatang Magnifica Humanitas, na

Read More »

Donation campaign, isinagawa ng CWS

 7,072 total views

 7,072 total views Idinadaos na ng Church People Workers Solidarity o CWS ang donation drive para sa may tatlong-libong pamilyang nasunugan sa Parola Compound Binondo Manila.

Read More »
Scroll to Top