Caritas Philippines, nilinaw ang pagtanggal sa ikatlong episode ng YSpeak 2.0

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,558 total reads

Nilinaw ni Caritas Philippines executive director, Fr. Carmelo ‘Tito’ Caluag, ang desisyong ipatanggal ang ikatlong episode ng programang YSpeak 2.0 at ihinto ang pagpapalabas nito sa free television.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Fr. Caluag na siya, bilang kinatawan ng Caritas Philippines at producer ng programa, ang humiling na alisin ang naturang episode na unang ipinalabas noong May 23.

“It was a difficult decision to make, but there are internal editorial guidelines and basic values of Caritas Philippines I needed to consider,” ayon kay Fr. Caluag.

Ipinaliwanag ng pari na kanyang isinasaalang-alang ang mga patakarang editoryal at pangunahing pagpapahalaga ng organisasyon, gayundin ang iba pang mga salik na natalakay sa mga taong may kaugnayan sa usapin.

Nilinaw din ni Fr. Caluag na ang hindi pagpapalabas ng ikaapat na episode sa ALLTV2 noong May 30 ay bahagi rin ng kanyang naging desisyon.

Ayon sa opisyal ng simbahan, nais ng Caritas Philippines na higit pang palakasin ang presensya nito sa mga online platform upang mas maabot ang mga kabataang pangunahing tagasubaybay ng programa.

“YSpeak and YSpeak 2.0 were created to always be a safe space for the Filipino youth and will continue to strive to be such. Yes, we want our youth to have the platform to speak the truth with courage, but also to take all things into consideration,” giit ni Fr. Caluag.

Binanggit din ng pari na nakipagpulong siya sa mga host ng programa upang talakayin ang mga naging kaganapan at mabigyan sila ng pagkakataong makatulong sa pagdedesisyon sa mga susunod na hakbang.

Hiniling naman ni Fr. Caluag ang patuloy na panalangin at suporta ng publiko para sa YSpeak community habang pinag-aaralan ang magiging direksyon ng programa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 68,103 total reads

 68,103 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 103,644 total reads

 103,644 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 138,944 total reads

 138,944 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 365,214 total reads

 365,214 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 254,794 total reads

 254,794 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,778 total reads

 154,778 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top