Truth Awards nomination, opisyal na binuksan ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,802 total reads

Opisyal ng binuksan ng Radyo Veritas ang nominasyon para sa Veritas Truth Awards 2026.

Ang Veritas Truth Awards 2026 ay inilunsad ng Radyo Veritas katuwang ang Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila at C.A.R.E. upang kilalanin ang mga indibidwal at organisasyong nagsusulong ng katotohanan, pananagutan, transparency, at integridad sa kanilang paglilingkod sa lipunan

Layunin ng parangal na mabigyang pagkilala ang mga huwarang lider, lingkod-bayan, at mga samahan o institusyong nagpakita ng katatagang moral at dedikasyon sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at katarungan.

Inaanyayahan ng pamunuan ng Radyo Veritas ang publiko na magnomina at magmungkahi ng mga indibidwal o organisasyong nagsisilbing inspirasyon sa pagtataguyod ng tama at makatarungan sa kani-kanilang larangan.

“May kilala ka bang tao o organisasyong nagsisilbing huwaran ng katotohanan at mabuting pamumuno? Iparangal natin ang kanilang natatanging ambag at dedikasyon sa pagtataguyod ng tama at makatarungan.” Bahagi ng paanyaya ni Radyo Veritas President and CEO Fr. Roy Bellen.

Tatanggap ng nominasyon para sa Veritas Truth Awards 2026 hanggang Hunyo 30, 2026 at daraan ang lahat ng nominado sa masusing pagsusuri ng piling lupon ng mga hurado.

Umaasa ang pamunuan ng Radyo Veritas na sa pamamagitan ng Veritas Truth Awards 2026 ay higit pang mahikayat ang mamamayan na kilalanin at suportahan ang mga taong nagsusulong ng katotohanan at mabuting pamamahala bilang mahalagang ambag sa paghubog ng isang makatarungan at responsableng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 146,448 total reads

 146,448 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 204,614 total reads

 204,614 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 341,119 total reads

 341,119 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 453,077 total reads

 453,077 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top