Sambayanang Pilipino, inaanyayahang makiisa sa YSLEP telethon 2026 sa Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,565 total reads

Inaanyayahan ng Caritas Manila at Radyo Veritas ang mga Pilipino na tulungang makapagtapos ng pag-aaral ang mga iskolar ng social arm ng Archdiocese of Manila.

Upang matiyak na maibigay ang pangangailangan ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP scholars ng Caritas Manila, isasagawa sa himpilan ng Radyo Veritas 846, Ang Radyo ng Simbahan ang YSLEP telethon 2026 na may temang “Opening Doors, Transforming Lives.” sa Himpilan ng Radyo simula ala-siete ng umaga hanggang ala-sais ng gabi.

Naunang nagpahayag ng kagalakan at congratulatory message si Fr.Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila para sa mga nagsitapos na 1,597 YSLEP scholar sa kolehiyo para sa school year 2025-2026.

Umaasa si Fr.Pascual na sa pagtatapos at pagkamit ng mga iskolar ng kanilang pangarap ay hindi nila makalimutan na magbalik-tanaw at magpasalamat sa mga nakatulong sa kanila tulad ng simbahan, magulang at sa mga mabubuting loob na nagbahagi ng tulong.

“Let’s thank the Lord for the gift of education that God has given us. Second, let’s thank our parents who helped us all the way. Siyempre ang ating mga tita, tito, ang ating mga sisters, mga kasama sa simbahan, lalo-lalo ng ating YSLEP team sa inyong diocese, pasalamatan natin ang ating YSLEP coordinator, ang ating life coach, ang ating mga advisors, at ang ating life coach, at ang ating mga sisters and brothers sa simbahan na sumuporta sa atin,ang ating mga parish priest,at ang ating local bishops. Let’s thank the church, the community,” ayon sa mensahe ni Father Pascual.

Nanawagan si YSLEP Officer In Charge Ms.Maribel Palmitos sa mga Pilipino ng pakikiisa sa YSLEP telethon at maging katuwang ng mga mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante para mapabuti ang kinabukasan at makaahon sa kinasasadlakang kahirapan.

“Ngayong June 8, 2026, inanyayahan po namen kayong maging bahagi ng YSLEP Telethon 2026 na may temang: Opening Doors, Transforming Lives. This is more than a theme—it is our mission. Sa bawat kabataang natutulungan nating makapag-aral at mahubog bilang servant leader, isang buhay ang nababago at isang mas mabuting kinabukasan ang nabubuo. Sama-sama nating buksan ang mga pinto ng oportunidad at maging instrumento sa pagbabago ng kanilang buhay. Let us open their doors, and help them transform their lives,” paanyaya ni Palmitos

Sa nakaraang 2025-2026 school year, umaabot sa 4,636 scholars na kinabibilangan ng Muslim at Kristiyano mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang pinapaaral ng Caritas Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,481 total reads

 34,481 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,088 total reads

 85,088 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,959 total reads

 132,959 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,907 total reads

 236,907 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,253 total reads

 321,253 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top