Simbahan, titiyaking hindi mapapalitan ng teknolohiya ang pakikipag-ugnayan sa Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,367 total reads

Binigyang-diin ni Iba Bishop Bartolome Santos Jr., vice chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth, ang pangangailangang tugunan ng Simbahan ang lumalawak na impluwensya ng artificial intelligence o AI sa buhay ng mga kabataan na nagdudulot ng krisis sa paglalakbay pananampalataya, pakikipagkapwa at pagiging malapit sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa ikalawang araw ng 1st National Youth Directors Assembly sa misang isinagawa sa Sagrada Familia Chapel sa Quezon City, tinukoy ng obispo ang teknolohiya bilang isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng mga kabataan sa kasalukuyan.

“The next enemy we have to make as our footstool is the crisis brought by technology—the crisis of AI, the crisis of accompaniment, and the crisis of intimacy,” ayon kay Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng obispo na maging ang AI mismo ay maaaring magturo kung paano naaapektuhan ng teknolohiya ang ugnayan ng tao sa kapwa.

“Even if you ask AI what brought about the crisis of intimacy, the first reason is technology—too much time spent with AI lessens the personal relationships and intimacy felt by the heart,” ani Bishop Santos.

Nagbabala rin siya na mas maraming oras na ang ginugugol ng mga kabataan sa AI at digital platforms kaysa sa kanilang pamilya at mga kaibigan.

“We know that our youth spend their time with AI more than with their parents, family, and friends,” saad ng obispo.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na tungkulin ng Simbahan na samahan at gabayan ang mga kabataan upang hindi mapalitan ng teknolohiya ang tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapwa.

“The crisis of accompaniment happens when loneliness and depression are dealt with by AI rather than through a close personal relationship with God and family.”

Hinimok ng obispo ang mga youth ministers at mga lingkod ng Simbahan na maging “ka-manlalakbay” ng mga kabataan sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon sa gabay ng Banal na Espiritu.

Isinagawa ang kauna-unahang National Youth Directors Assembly na dinaluhan 100 mga youth directors at youth ministers mula sa 62 diyosesis sa bansa at 15 Federation of National Youth Organizations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 208,819 total reads

 208,819 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 243,492 total reads

 243,492 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 259,392 total reads

 259,392 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 295,881 total reads

 295,881 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 302,072 total reads

 302,072 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top