Paggabay sa buhay-espiritwal ng mga kabataan, tiniyak ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,626 total reads

Tiniyak ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang pangangailangang ituon ang youth ministry sa pagpapalalim ng pakikipagtagpo ng mga kabataan kay Hesukristo sa halip na sa mga programa at aktibidad lamang.

Sa isinagawang First National Youth Directors Assembly ng CBCP Episcopal Commission on Youth, sinabi ng obispo na ang tunay na pundasyon ng paglilingkod sa kabataan ay ang pag-akay sa kanila sa mas malalim na ugnayan sa Panginoon.

“Youth ministry begins not with activities but with an encounter. Before young people need programs, they need Christ,” ayon kay Bishop Ayuban.

Binigyang-diin ng obispo na sa gitna ng mga hamon tulad ng social media, misinformation, suliraning pangkaisipan at emosyonal, kawalan ng katiyakan sa ekonomiya, migrasyon, pagkakawatak-watak ng pamilya at lumalawak na kawalang-interes sa pananampalataya, mahalagang matulungan ang mga kabataan na makatagpo si Kristo at maging mga misyonerong alagad.

“The question before us is not simply: ‘How do we attract young people?’ The deeper question is: ‘How do we help young people encounter Jesus Christ and become missionary disciples?’” ani ng obispo.

Hinimok din ni Bishop Ayuban ang mga youth directors at ministers mula sa 62 na diyosesis sa bansa at 15 miyembro ng Federation of National Youth Organizations na higit pang pagtuunan ang paggabay sa espiritwal na buhay ng mga kabataan.

Ayon sa obispo, ang pananampalataya ay hindi lamang koleksyon ng mga aral kundi isang buhay na pakikipag-ugnayan sa Panginoon na dapat maipakilala sa mga kabataan sa pamamagitan ng patotoo at pagmamahal.

“You are not merely managing programs. You are accompanying souls. This mission requires more than competence. It requires love,” saad ni Bishop Ayuban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,085 total reads

 38,085 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,482 total reads

 88,482 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,353 total reads

 136,353 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,301 total reads

 240,301 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,442 total reads

 324,442 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top