Pamumutol ng SMC ng mga punongkahoy sa Quirino avenue, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,392 total reads

Mariing kinondena ng Laudato Si’ Movement Pilipinas (LSM Pilipinas) ang pagputol ng mga puno sa Quirino Avenue at Roxas Boulevard sa Maynila kaugnay ng Southern Access Link Expressway (SALEX) project ng San Miguel Corporation (SMC), kasabay ng panawagan para sa agarang pagtigil ng mga gawaing nakaaapekto sa kalikasan.

Nakipagkaisa ang LSM Pilipinas sa Caritas Philippines at iba pang civil society organizations sa paggiit na ang malawakang pag-alis ng mga puno ay isang seryosong usapin ng pangangalaga sa kapaligiran at karapatang pangkalikasan.

Binigyang-diin ng grupo na ang mga punong tinanggal at nakatakda pang alisin, na bahagi ng 617 orihinal na inaprubahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng balanseng ekolohiya sa lungsod ng Maynila.

“The massacre of the aforementioned trees is an act against the tender and affectionate love of God for them which we strongly denounce,” pahayag ng LSM Pilipinas.

Ayon sa LSM, ang mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue at Roxas Boulevard ay nakatutulong sa biodiversity, pagsipsip ng carbon emissions, pagpapababa ng init sa lungsod, pagpapabuti ng kalidad ng hangin, at pagbibigay proteksyon laban sa pagbaha.

Iginiit ng grupo na ang patuloy na pagputol ng mga puno ay dapat tingnan hindi lamang bilang usaping pang-imprastruktura kundi bilang usaping may direktang epekto sa kalikasan, kalusugan ng publiko, at kalidad ng buhay sa lungsod.

Nanawagan din ang LSM Pilipinas sa SMC, DENR, Pamahalaang Lungsod ng Maynila, at pambansang pamahalaan na suriin muli ang mga proyekto na may malawakang epekto sa kalikasan at tiyaking may mas bukas na konsultasyon sa mga apektadong sektor.

“We call on SMC, the DENR, the Local Government of Manila, the Philippine National Government and all people of goodwill, to respect and uphold the rights of every tree, of every creature, and to promote the legal Rights of Nature,” ayon sa grupo.

Kasabay nito, binigyang-pansin din ng grupo ang panawagan ng kabataan at environmental advocates na isulong ang mas matibay na pananagutan at pangangalaga sa mga natitirang luntiang espasyo sa mga lungsod.

Nanindigan ang LSM Pilipinas na ang tunay na pag-unlad ay hindi dapat nakabatay sa kapinsalaan ng kalikasan, kundi sa balanseng pag-unlad na isinasaalang-alang ang kapaligiran at kapakanan ng susunod na henerasyon.

“We demand ecological and intergenerational justice… stop all projects that are destructive to people and nature; and involve all sectors of society in seeking and implementing a truly sustainable and integral development,” saad ng LSM Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,098 total reads

 38,098 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,494 total reads

 88,494 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,365 total reads

 136,365 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,313 total reads

 240,313 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,454 total reads

 324,454 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,124 total reads

 166,124 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top