Stella Maris Philippines, hinamong protektahan ang mga sea worker

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,592 total reads

Hinimok ni Stella Maris CBCP Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga kasapi ng Stella Maris–Philippines na manatiling matatag sa kanilang misyon ng paglilingkod sa mga marino, mangingisda, port workers, at kanilang mga pamilya sa gitna ng iba’t ibang hamon na kinakaharap ng sektor.

Sa isinagawang National Consultation-Meeting ng Stella Maris–Philippines sa Antipolo City, binigyang-diin ng obispo na tulad ng mga paglalayag sa dagat, hindi maiiwasan ang mga pagsubok o suliranin sa buhay at ministeryo ngunit sa tulong ng Diyos at pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Antipolo ay malalampasan ang mga ito.

“It is a profound blessing for us to hold our national consultation-meeting here in Antipolo, the home of our beloved Blessed Virgin Mary, whom we lovingly invoke as the Mapaghimalang Birhen ng Antipolo. Here, under her maternal embrace and protection, we gather as one Stella Maris family: renewed, strengthened, and inspired.

We are truly happy and honored to welcome you all,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.

Ayon pa kay Bishop Santos, ang Banal na Mag-anak ay nagsilbing halimbawa ng pagtitiis, pagtitiwala, at paglalakbay sa gitna ng kawalang-katiyakan, karanasang maihahalintulad sa buhay ng maraming seafarers at migrant workers sa kasalukuyan.

Iginiit ng obispo na mahalagang ipagpatuloy ng Stella Maris ang pag-akay, pakikiisa, at pagdamay sa mga taong nabubuhay at nagtatrabaho sa dagat upang matiyak na hindi sila nag-iisa sa kanilang mga hamon at sakripisyo.

“In the same way, we are invited to offer our own victories over trials, our endurance through hardships, and our perseverance in ministry. Every challenge we overcome becomes an offering of love. Every sacrifice becomes a prayer. Every act of service becomes a participation in Mary’s own mission of bringing Christ to others. Offer your journey to God,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos sa pagtitipon ng Stella Maris Philippines.

Kaugnay nito, paulit-ulit na binigyang-diin ni Pope Francis noon na ang mga marino at migrant workers ay mahalagang bahagi ng pandaigdigang komunidad at nararapat na makatanggap ng pagkalinga, pagkilala, at proteksyon.

Hinikayat din niya ang Simbahan na maging tanda ng pag-asa at pakikipagkapwa sa mga taong malayo sa kanilang mga tahanan at pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 42,103 total reads

 42,103 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 92,242 total reads

 92,242 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 140,113 total reads

 140,113 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 244,062 total reads

 244,062 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,008 total reads

 328,008 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top