Pagbabagong-loob, hamon ni Bishop Pabillo sa mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,700 total reads

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino lalu na ang mga Senador na isulong ang pagkakaisa at isipin ang higit na paglilingkod sa bayan at hindi para sa iilan na may kapangyarihan.

Hinikayat ni Bishop Pabillo ang mamamayan na bantayan ang mga kaganapan sa Senado sa kabila ng kalituhan at mga usapin kaugnay ng quorum at pamumuno sa institusyon.

Paanyaya din ng Obispo sa publiko na ipanalangin na manaig ang katotohanan at mapagtanto ng mga Senador na isantabi ang pansariling interes at magbagong-loob.

“Nakita natin na ang gulo sa senate at mahirap maintindihan ang kanilang mga ginagawa. Pag-uusap nila ng mga quorum, sino ba ang tama at sino ba ang ganon kaya sa ating- pasubaybayan ang mga nangyayari kasi lalabas din ang katotohanan pero samahan natin ng panalangin, panalangin para sa atin para gabayan tayo ng Banal na Espiritu na malaman ano ang tama, ano yung mali, At panalangin din para sa ating mga senators na sana magbagong loob sila, na ang hahanapin sana ay hindi yung kanilang posisyon, ang kanilang prestige, ang kanilang gustong gawin. alamin natin ano ba yung tama at ano yung kabubuti ng bayan kasi sa ngayon, parang hindi na nakikinabang ang mga tao sa Senado,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Nanawagan din ang Obispo sa mga senador na suriin ang kanilang mga layunin at ituon ang kanilang paglilingkod sa kapakanan ng mamamayan sa halip na sa personal na posisyon o interes.

Ikinalulungkot din ni Bishop Pabillo ang mga usapin tungkol sa mga posisyon sa Senado na naging sentro ng pag-aaway sa halip na talakayin ang mga batas at programang makatutulong sa taumbayan.

Ayon sa Obispo, mahalaga din na isama sa panalangin ang mga Senador upang gabayan sila ng Diyos at maibalik ang kanilang layunin tungo sa tunay na paglingkod sa publiko.

Ginawa ng Obispo ang panawagan sa gitna ng umiinit na tension sa Senado kaugnay sa agawan ng poder at re-alignment ng majority at minority.
Paulit-ulit na itinataguyod ng Simbahang Katolika ang kahalagahan ng tapat at makataong pamamahala na nakatuon sa kabutihan ng lahat ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 42,122 total reads

 42,122 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 92,261 total reads

 92,261 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 140,132 total reads

 140,132 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 244,081 total reads

 244,081 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,027 total reads

 328,027 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top