Youth directors at youth ministers, hinimok na maging pro-active

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,974 total views

Hinimok ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang mga youth director at youth minister sa bansa na maging mapanatag, mahinahon, at responsable sa kanilang pamumuno sa gitna ng maraming hamon sa ministeryo at ng mabilis na pagbabago ng lipunan.

Sa kanyang homiliya sa misang ginanap sa Sagrada Familia Chapel sa Quezon City, sa pagtatapos ng First National Youth Directors Assembly, binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng pagiging “self-possessed” o may kontrol sa sarili upang epektibong magabayan ang mga kabataan.

Ayon kay Archbishop Alarcon, mahalagang maging maagap sa pagharap sa mga suliranin sa halip na maging pabigla-bigla sa pagkilos at pagpapasya.

“To be proactive rather than reactive. A person who is self-possessed does not react impulsively,” ayon kay Archbishop Alarcon.

Paliwanag ng arsobispo na ang isang mabuting youth leader ay may tiwala sa sarili ngunit hindi kailanman nagiging mapagmataas.

“A person who is self-possessed is a youth director who has confidence, pero hindi siya arrogant,” dagdag ni Archbishop Alarcon.

Binigyang-diin pa ng arsobispo na sa panahon ng matinding pressure, napakaraming pagpipilian, at sunod-sunod na mga gawain, kinakailangan ng mga youth minister ang emosyonal na katatagan at malinaw na pagtukoy sa mga prayoridad upang maipagpatuloy ang kanilang misyon ng paggabay sa mga kabataan patungo kay Kristo.

Dinaluhan ng mga youth director, youth minister, at mga opisyal ng CBCP Episcopal Commission on Youth mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang pambansang pagtitipon na naglalayong palakasin ang pamumuno at misyon ng youth ministry sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 22,339 total views

 22,339 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 55,421 total views

 55,421 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 83,772 total views

 83,772 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 151,503 total views

 151,503 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 173,004 total views

 173,004 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top