Our Lady of the Most Holy Rosary parish, idineklarang minor basilica

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 960 total views

Pormal nang idineklara bilang minor basilica ang Parish of Our Lady of the Most Holy Rosary o mas kilalang Pisamban Maragul sa Angeles City, Pampanga.

Pinangunahan ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias ang maringal na deklarasyon na dinaluhan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, mga obispo, pari, relihiyoso, at libu-libong mananampalataya.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang pagkakaloob ng titulong minor basilica ay higit pa sa pagkilala sa makasaysayang gusali ng simbahan kundi sa buhay na pananampalataya ng sambayanan.

“The true basilica is the community. The true basilica is the people. The true basilica is the household of God that gathers constantly around the Eucharistic table,” ayon kay Cardinal David.

Tinuran din ng kardinal ang katatagan ng pananampalataya ng mga Angeleño na naging dahilan upang manatiling matatag ang simbahan sa kabila ng mga pagsubok ng kasaysayan.

“Again and again, this church has been damaged. Again and again, it has been restored. Why? Because it was built on rock,” ani Cardinal David.

Ayon pa kay Cardinal David, ang Pisamban Maragul ay patunay ng katapatan ng Panginoon sa Kanyang pangako sa Simbahan sa kabila ng mga digmaan, kalamidad, at iba pang hamon na hinarap ng pamayanan sa loob ng maraming siglo.

Ibinahagi ng kardinal na nanilbihang kura paroko sa dambana bago maitalagang obispo ng Kalookan, na isang pag-asang natupad ang pagkakatalagang basilica ng Pisamban Maragul at umaasa rin itong kilalanin itong pambansang dambana ng Apu Mamacalulu.

“The second hope remains: that one day the Shrine of Apu Mamacalulu may be elevated from a diocesan shrine into a national shrine of the Merciful Lord of the Holy Sepulchre,” ayon sa kardinal.

Sa mensaheng naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, sinabi nitong ang pagkakaloob ni Pope Leo XIV ng titulong minor basilica ay pagkilala sa lalim ng debosyon ng mga mananampalataya sa Mahal na Birhen ng Santo Rosario.

“He has given official recognition to the depth and intensity of our devotion to Our Lady of the Most Holy Rosary,” ayon kay Cardinal Advincula.

Paliwanag ng kardinal na ang pagiging basilica ay hindi lamang tungkol sa karangyaan ng gusali kundi sa pagsasabuhay ng kaharian ng Diyos.

“Being a basilica church is more than just elegant decorations or grand celebrations. It is about concretely signifying the mysterious presence of the Kingdom of God within and among us,” dagdag pa ng kardinal.

Nagpasalamat naman si Msgr. Manuel Sta. Maria, rector at parish priest ng bagong deklarang minor basilica, sa Santo Papa, sa Vatican, at sa lahat ng nag-ambag sa kasaysayan ng simbahan.

Ayon sa pari, ang pagkilalang natanggap ng Pisamban Maragul ay hindi lamang para sa gusali kundi para sa mga henerasyon ng mga mananampalatayang nagsakripisyo at nagtaguyod sa simbahan.

“Sa pagkilala sa ating Pisamban Maragul bilang Minor Basilica, ang titulong ito ay hindi lamang parangal sa mga bato at ladrilyo ng simbahan, kundi sa pananampalataya, sakripisyo, at debosyon nating mga Angeleño,” pahayag Msgr. Sta. Maria.

Binigyang-diin ni Msgr. Sta. Maria na ang bagong karangalan ay isang paalala ng mas malawak na tungkulin ng sambayanan.

“Gawin nating tunay na malaking simbahan, big church, Pisamban Maragul; hindi lamang sa laki ng gusali, kundi sa laki ng ating pagmamalasakit at pagmamahal sa ating kapwa,” aniya.

Ang deklarasyon ng Pisamban Maragul bilang Minor Basilica ay isa sa pinakamahalagang pagkilala ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa isang dambanang may natatanging kasaysayan, debosyon, at ambag sa pagpapalaganap ng pananampalataya sa Central Luzon.

Ito na ang ika-30 minor basilica sa Pilipinas at kauna-unahan sa Archdiocese of San Fernando at sa buong lalawigan ng Pampanga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 15,937 total views

 15,937 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 29,514 total views

 29,514 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 58,078 total views

 58,078 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 107,795 total views

 107,795 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 102,283 total views

 102,283 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top