We enjoy freedom when we have the truth-Archbishop Alarcon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,387 total views

Binigyang-diin ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang paggunita sa kasarinlan ng bansa kundi maging ang kakayahang piliin ang mabuti, totoo, at makatarungan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa June 12.

Sinabi ng arsobispo na ang hamon sa kabataan at mga youth leaders ay ang patuloy na paghubog ng puso, kaisipan, at wastong pag-unawa sa kalayaan.

“We enjoy freedom when we have the truth. We enjoy freedom when we can make good choices. And, of course, we say that freedom is choosing the good,” pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng arsobispo na ang ganap na kalayaan ay nakikita sa kakayahang pumili ng mabuti, magmahal, at maglingkod sa kapwa.

“We define freedom as the fullness of freedom, to be able to choose what is good for us, to choose to love, to choose to serve,” ani Archbishop Alarcon.

Hinimok din nito ang mga pastol at maging ang mga magulang na paigtingin ang paghubog sa kaisipan ng mga kabataan upang patuloy na hanapin, itaguyod, at panindigan ang katotohanan.
“Because when we choose lies, when we choose evil, that leads to self-destruction,” babala ng arsobispo.

Bilang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication, binigyang-diin din ni Archbishop Alarcon ang responsableng paggamit ng social media, makabagong teknolohiya, at iba’t ibang digital platforms, at ang tiyaking naipapahayag ang katotohanan tungo sa pagkamit ng kalayaan.

“As we use these tools, social media, and the new tools that we have, it is very important to use these in freedom, in truth,in goodness, and in beauty,” saad ng arsobispo.

Kinilala rin ng arsobispo ang kahirapan, kakulangan sa edukasyon, at limitadong akses sa impormasyon bilang ilan sa mga hadlang sa tunay na kalayaan, kaya’t nanawagan ito ng pagtutulungan upang mapalawak ang kamalayan at pagkakataon para sa lahat.

Umaasa si Archbishop Alarcon na sa gitna ng iba’t ibang krisis na kinakaharap ng lipunan ay mananaig ang katotohanan, kabutihan, at pagmamalasakit sa kapwa upang higit pang maisabuhay ng mga Pilipino ang tunay na diwa ng kalayaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 15,141 total views

 15,141 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 48,223 total views

 48,223 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 76,574 total views

 76,574 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 144,304 total views

 144,304 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 166,271 total views

 166,271 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top