We enjoy freedom when we have the truth-Archbishop Alarcon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,932 total reads

Binigyang-diin ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang paggunita sa kasarinlan ng bansa kundi maging ang kakayahang piliin ang mabuti, totoo, at makatarungan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa June 12.

Sinabi ng arsobispo na ang hamon sa kabataan at mga youth leaders ay ang patuloy na paghubog ng puso, kaisipan, at wastong pag-unawa sa kalayaan.

“We enjoy freedom when we have the truth. We enjoy freedom when we can make good choices. And, of course, we say that freedom is choosing the good,” pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng arsobispo na ang ganap na kalayaan ay nakikita sa kakayahang pumili ng mabuti, magmahal, at maglingkod sa kapwa.

“We define freedom as the fullness of freedom, to be able to choose what is good for us, to choose to love, to choose to serve,” ani Archbishop Alarcon.

Hinimok din nito ang mga pastol at maging ang mga magulang na paigtingin ang paghubog sa kaisipan ng mga kabataan upang patuloy na hanapin, itaguyod, at panindigan ang katotohanan.
“Because when we choose lies, when we choose evil, that leads to self-destruction,” babala ng arsobispo.

Bilang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication, binigyang-diin din ni Archbishop Alarcon ang responsableng paggamit ng social media, makabagong teknolohiya, at iba’t ibang digital platforms, at ang tiyaking naipapahayag ang katotohanan tungo sa pagkamit ng kalayaan.

“As we use these tools, social media, and the new tools that we have, it is very important to use these in freedom, in truth,in goodness, and in beauty,” saad ng arsobispo.

Kinilala rin ng arsobispo ang kahirapan, kakulangan sa edukasyon, at limitadong akses sa impormasyon bilang ilan sa mga hadlang sa tunay na kalayaan, kaya’t nanawagan ito ng pagtutulungan upang mapalawak ang kamalayan at pagkakataon para sa lahat.

Umaasa si Archbishop Alarcon na sa gitna ng iba’t ibang krisis na kinakaharap ng lipunan ay mananaig ang katotohanan, kabutihan, at pagmamalasakit sa kapwa upang higit pang maisabuhay ng mga Pilipino ang tunay na diwa ng kalayaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 19,667 total reads

 19,667 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 55,029 total reads

 55,029 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 111,435 total reads

 111,435 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 234,000 total reads

 234,000 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top