Panukalang Ahunan Pumped Storage Hydropower Project sa Pakil,Laguna, ikinababahala ng Franciscans

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,906 total reads

Labis na ikinabahala ng Franciscan Province of San Pedro Bautista o OFM Franciscans Philippines ang mga nagaganap na aktibidad kaugnay ng panukalang Ahunan Pumped Storage Hydropower Project (APSHP) sa Pakil, Laguna.

Kasunod ito ng inilabas na Cease-and-Desist Order ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) dahil sa posibleng epekto nito sa San Pedro de Alcantara Parish Church at ang makasaysayang Turumba Spring.

Ayon kay Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, Minister Provincial ng Franciscans Philippines ang nasabing mga pamanang pook ay hindi lamang mahalagang istruktura kundi may malalim na kasaysayan, kultura, pananampalataya at espiritwal na kahalagahan para sa mamamayan ng Pakil at ng bansa.

“As Franciscans, we believe that authentic development must always uphold the dignity of persons, protect the integrity of creation, and respect the cultural and spiritual heritage of communities,” pahayag ni Fr. Redoblado.

Iginiit ng pari na ang tunay na kaunlaran ay dapat laging nagtataguyod sa dignidad ng tao, nangangalaga sa integridad ng kalikasan, at iginagalang ang pamana ng kultura at pananampalataya, at hindi dapat isinasantabi ang mga ito kapalit ng pag-unlad ng ekonomiya.

Binanggit din ng mga Franciscano ang naging hakbang ng NHCP, na nagsabing nagpatuloy ang ilang konstruksiyon at kaugnay na aktibidad kahit may nauna nang kahilingan para sa pagsusumite ng mga plano at Heritage Impact Assessment.

Dahil dito, ipinag-utos ng komisyon ang agarang pagsuspinde ng proyekto habang hinihintay ang pagsunod sa mga kinakailangang legal at heritage conservation requirements.

“The Franciscan tradition teaches us to contemplate creation not as a resource to be exploited but as a gift entrusted to our stewardship. Likewise, our historical and cultural heritage is not merely a remnant of the past but a sacred inheritance that connects generations and strengthens communal identity,” ayon kay Fr. Redoblado.

Hinikayat ni Fr. Redoblado ang lahat ng kinauukulan na sumunod sa batas, pairalin ang transparency at pananagutan, at magsagawa ng tunay at malawakang konsultasyon sa mga komunidad at sektor na maaapektuhan ng proyekto, kabilang dito ang mga lider ng Simbahan, environmental advocates, cultural workers, at iba pang stakeholder.

Hinikayat din ng pari na isantabi ang pansariling interes at unahin ang ikabubuti ng lahat, na nakabatay sa pangmatagalang pangangalaga sa kalikasan, pagpapanatili ng pamanang kultura, at pagsusulong ng katarungang panlipunan.

Ipinahayag din ng mga Franciscano ang pakikiisa sa Diocese of San Pablo, sa mamamayan ng Pakil, at sa mga deboto ng Nuestra Señora de los Dolores de Turumba, gayundin sa pangangalaga ng San Pedro de Alcantara Church at ng likas na kapaligiran ng pamayanan.

Sa paggunita ng ika-800 anibersaryo ng Transitus o Kamatayan ni San Francisco ng Assisi, sinabi ng mga Ordeng Franciscano sa Pilipinas na ang hamon ay hindi lamang tungkol sa isang proyekto, kundi sa uri ng kinabukasan na nais ipamana sa susunod na henerasyon.

“We therefore urge all stakeholders to pursue a path marked by dialogue, transparency, responsibility, and respect for both creation and heritage. In doing so, we honor not only our legal obligations but also our moral duty to care for God’s gifts and protect the memory and identity of our people,” saad ni Fr. Redoblado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 70,256 total reads

 70,255 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 114,931 total reads

 114,931 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 137,133 total reads

 137,133 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 173,625 total reads

 173,624 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 389,988 total reads

 389,988 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 102,209 total reads

 102,209 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top