Mamamayan, hinimok na makiisa sa national signing day for People’s initiative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 816 total views

Hinimok ng Dapat Isa Lang o D1L Movement ang publiko na makiisa sa isasagawang National Signing Day for People’s Initiative sa Hunyo 12 kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Dapat Isa Lang Movement Petitioner Atty. Alex Lacson, layunin ng nationwide campaign na makalikom ng mga lagda upang maisulong ang pagpasa ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa bansa sa pamamagitan ng People’s Initiative.

“Sa June 12 which is the National Independence Day sinet po natin yan as National Signing Day for People Initiative,” Bahagi ng paanyaya ni Lacson sa Radyo Veritas.

Paliwanag ni Lacson, magtatakda ang D1L Movement ng mga lugar sa iba’t ibang distrito sa bansa kung saan maaaring pumunta at lumagda ang mga mamamayan bilang suporta sa panukala na pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa Pilipinas.

“Para makapasa tayo ng genuine na Anti-Political Dynasty Law, nationwide campaign ang gagawin natin,” Dagdag pa ni Lacson.

Isinusulong ng Dapat Isa Lang o D1L Movement ang pagpapatibay ng isang tunay na batas laban sa political dynasty sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Ayon sa kilusan, layunin nitong wakasan ang siklo ng korapsyon at kahirapan na dulot na rin ng dominasyon ng iilang pamilya sa politika.

Iminumungkahi ng panukala na limitahan sa isang posisyon lamang ang maaaring hawakan ng isang pamilya sa bawat antas ng pamahalaan, saklaw ang mga kamag-anak hanggang ika-apat na antas.

Sa ilalim ng People’s Initiative, kinakailangan ang lagda ng 10 porsyento ng rehistradong botante sa buong bansa at 3 porsyento sa bawat distrito upang maisulong ang panukala sa plebisito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 36,254 total views

 36,254 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 49,831 total views

 49,831 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 78,395 total views

 78,395 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 127,509 total views

 127,509 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 120,571 total views

 120,571 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top