Bishop Mangalinao, nanawagan ng suporta sa mga nagbabarikada sa Kasibu, Nueva Vizcaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,326 total reads

Hinikayat ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mga mamamayan na ipagpatuloy ang pagtatanggol sa kalikasan at suportahan ang mga nagbabarikada sa Kasibu, Nueva Vizcaya, na patuloy na naninindigan para sa pagtatanggol sa kabundukan at likas na yaman ng lalawigan.

Sa pagdiriwang ng banal na misa sa barikada sa Barangay Paquet noong Hunyo 9, inihalintulad ng obispo ang mga nagbabarikada sa “asin” at “ilaw” ng mundo na binabanggit sa Ebanghelyo dahil sa kanilang pagsisikap na pangalagaan ang kalikasan at kabuhayan ng mamamayan.

Ayon kay Bishop Mangalinao, ang Salita ng Diyos ay paanyaya sa bawat Kristiyano na magmalasakit hindi lamang sa kapwa kundi maging sa kalikasan na pinagmumulan ng buhay at kabuhayan ng sambayanan.

“Ang mga nagbabarikada ay maituturing na asin dahil sila ang nagpapanatili ng ganda at kasariwaan ng bundok at nagbibigay ng lasa at sigla sa pananampalataya,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Sinabi rin niya na tulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa dilim, nagsisilbing saksi sa katotohanan ang mga mamamayang patuloy na naninindigan para sa kalikasan sa kabila ng mga hamon at pangamba.

Binigyang-diin din ng obispo na ang anumang pakikibaka ay dapat isagawa nang may paggalang at pagmamahal sa kapwa at hindi paghahasik ng galit o pagkamuhi.

“Tayo ay narito, naninindigan sa katotohanan nang may paggalang at pagmamahal. Tayo ay naninindigan para sa kalikasan at sa buhay. Hindi tayo laban sa tao kundi tayo ay para sa buhay,” ani Bishop Mangalinao.

Tinawag din ni Bishop Mangalinao ang mga nagbabarikada bilang mga “unang sundalo” sa pagtatanggol sa kalikasan, mga kabundukan, ilog, at kabuhayan ng mga mamamayan, at kinilala ang kanilang mga sakripisyo para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

“Hindi madali ang ginagawa ng mga nagbabarikada. Sila ay nagpupuyat, nagtatrabaho at nagsasakripisyo para sa kinabukasan ng sambayanan,” saad ni Bishop Mangalinao.

Tiniyak naman ng obispo ang suporta ng Simbahan sa mga mamamayang nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at nagtataguyod ng kabutihang panlahat.

Samantala, nakiisa rin sa pagdiriwang sina Radyo Veritas Bayombong Station Manager Fr. Christian Dumangeng at Bayombong Social Action Director Fr. Crispin Costales, gayundin ang iba pang pari ng Diocese of Bayombong bilang pakikiisa sa panawagan para sa pangangalaga sa kalikasan.

Matatandaang saklaw ng exploration permit ng North Luzon Minerals Resources Corporation ang walong barangay sa Kasibu, kung saan nagpapatuloy ang barikada ng mga residente at iba pang sektor bilang pagtutol sa exploration activities at panawagan para sa pangangalaga ng kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 12,653 total reads

 12,653 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,780 total reads

 12,780 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 23,340 total reads

 23,340 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 79,746 total reads

 79,746 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 203,247 total reads

 203,247 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 287,453 total reads

 287,453 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,448 total reads

 175,448 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top