Pagsasagawa ng 2nd collection para sa quake victims, inutos ng Obispo ng Diocese of Lucena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 297 total views

Naglabas ng liham sirkular si Lucena Bishop Mel Rey Uy, na nag-aatas ng pagsasagawa ng ikalawang koleksyon sa lahat ng anticipated at Sunday Masses sa darating na Hunyo 13 at 14, 2026 bilang tugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng malakas na lindol sa General Santos at mga karatig na lugar sa rehiyon ng Mindanao.

Nasasaad sa direktiba ni Bishop Uy sa ilalim ng Circular No. 05, Series of 2026, na ang malilikom na pondo ay ilalaan para sa mga relief at rehabilitation efforts upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng 7.8-magnitude na lindol sa Mindanao.

Hinikayat din ng Obispo ang mga mananampalataya na ipakita ang diwa ng pagkakaisa at malasakit bilang iisang pamilya ni Kristo sa pamamagitan ng mapagkawanggawang pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta.

“As one family in Christ, let us extend our generosity and solidarity to those who are suffering and in need. The proceeds of this collection will support relief and rehabilitation efforts for the affected communities. “Bear one another’s burdens, and so fulfill the law of Christ.” (Galatians 6:2) May our compassionate response be a sign of God’s love and mercy to our brothers and sisters in General Santos.” Bahagi ng liham sirkular ni Bishop Uy.

Ayon kay Bishop Uy, higit na mahalaga sa kasalukuyang panahon ang pagkakaisa ng lahat sa pagtulong at pagdadamayan para sa kalagayan ng mga mamamayang naapektuhan ng malakas ng pagyanig.
Umaasa naman ang Diyosesis ng Lucena na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga mananampalataya ay maipadama ang pagmamahal at awa ng Diyos sa lahat ng mga lubhang naapektuhan ng trahedya sa Mindanao.

Sa tala may mahigit sa 40 ang mga parokya sa Diyosesis ng Lucena na nagsisilbing gabay sa buhay espiritwal ng may humigit kumulang 1-milyong mga Katoliko sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 40,504 total views

 40,504 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 54,081 total views

 54,081 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 82,645 total views

 82,645 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 131,611 total views

 131,611 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 124,356 total views

 124,356 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top