Pagkukulang sa pagtugon at komunikasyon sa pagkasawi ng 2-student athletes, inamin ng Jesuits

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,214 total reads

Kinilala ng Society of Jesus ang posibilidad na may pagkukulang sa naging pagtugon at komunikasyon kaugnay ng pagkasawi ng dalawang student-athletes na sina Divine Adili at Rene Baterbonia.

Sa pahayag ni Jesuit Provincial Superior, Fr. Xavier Olin, SJ, aminado itong mas marami pa sanang mga hakbang sa pagharap ng institusyon sa trahedya.

“We humbly acknowledge more could have been done in the way the tragedy has been dealt with and communicated,” ayon kay Fr. Olin.

Inihayag ng pari ang pakikiisa at pakikidalamhati ng mga Heswita sa pamilya ay kaanak nina Baterbonia at Adili na personal na nakilala ng kongregasyon.

“We knew them and we grieve their untimely deaths. We also knew their families and friends, especially Rene’s. We can only imagine the heartache they are going through these days,” ani Fr. Olin.

Tiniyak din ng Society of Jesus ang patuloy na suporta sa mga naulilang pamilya.

“We pray for them and vow everything we can do to support them in this time of grief,” dagdag nito.
Ayon kay Fr. Olin, mahalagang pakinggan ang mga panawagan ng kanilang komunidad, lalo na ng mga alumni, na nagpapaalala sa mga pagpapahalagang Ignatian tulad ng malasakit sa kapwa, katotohanan, pananagutan, katarungang panlipunan, at pakikiisa.

“We are grateful for these reminders and for the call to greater fidelity whenever we fall short,” pahayag ng Jesuit Provincial Superior.

Ibinahagi rin ni Fr. Olin na nakipagpulong na ito sa pamunuan ng Ateneo de Manila University upang suriin kung paano higit na maisasabuhay ng pamantasan ang mga pagpapahalagang itinuturo nito sa gitna ng naturang trahedya.

“I as Jesuit Provincial have conferred with Ateneo de Manila leadership to see how in this devastating experience we may better live out the Ignatian values we teach others,” aniya.
Tiniyak ni Fr. Olin sa publiko na gagawin ng mga Heswita ang lahat ng kanilang makakaya upang maitaguyod ang tama, makatarungan, at mapagmahal na pagtugon para sa mga biktima at kanilang mga pamilya.

“We will exert everything in our power to do what is right, what is just, and what is loving for our beloved students Rene, Divine, and their families,” saad ni Fr. Olin.

Patuloy na hiniling ng mga Heswita ang panalangin para sa katatagan, kahinahunan, at paghilom kasabay ng mga isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng insidenteng ikinasawi ng dalawang student-athletes.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 8,861 total reads

 8,861 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 8,988 total reads

 8,988 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 16,544 total reads

 16,544 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 72,950 total reads

 72,950 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 196,451 total reads

 196,451 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 281,009 total reads

 281,009 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top