Tularan si San Antonio de Padua, paanyaya ng Papal Nuncio sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,766 total reads

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mga mananampalataya na tularan si San Antonio de Padua sa paghahanap at pag-akay sa mga nalalayo sa Diyos at sa Simbahan, kasabay ng panawagang maging mga instrumento ng pag-asa para sa mga nawawalan ng pananampalataya.

Sa kanyang homiliya sa Misa Mayor para sa ika-120 kapistahan ng Saint Anthony of Padua Parish sa Singalong, Maynila, binigyang-diin ng kinatawan ng Santo Papa na ang misyon ni San Antonio ay hindi lamang matagpuan ang mga nawawalang bagay kundi, higit sa lahat, maibalik sa Diyos ang mga nawawalang kaluluwa.

“Just as during his life the Lord glorified St. Anthony by giving him the grace of bringing back lost souls, so now after his death the Lord gives him the power of restoring lost items,” ayon kay Archbishop Brown.

Ayon sa nuncio, ang debosyon kay San Antonio bilang patron ng mga nawawalang bagay ay nag-ugat sa kanyang mas malalim na misyon na akayin ang mga taong nalalayo sa pananampalataya pabalik sa piling ng Panginoon.
Paliwanag ni Archbishop Brown na ang tema ng pagiging “lost and found” ay sentro ng mensahe ng Ebanghelyo dahil si Hesus mismo ang naghahanap at nagliligtas sa mga naliligaw sa landas.

“This theme of being lost and found appears again and again in the Gospels because Jesus is the One who has found each of us,” ani ng arsobispo.

Dagdag pa ni Archbishop Brown, ang pananampalatayang tinatamasa ng mga Kristiyano ay bunga ng walang sawang paghahanap ng Diyos sa Kanyang mga anak.

“You were lost, and now you are found. If you have the Catholic faith, you have been found by Jesus. He has given you the joy of being found,” saad ni Archbishop Brown.

Binigyang-diin rin ng kinatawan ng Vatican na ang pag-ibig ni Kristo ay nananatiling tapat kahit sa gitna ng pagkukulang at pagtalikod ng tao.
“Jesus has found us. Jesus will never abandon us. We may abandon Jesus, but Jesus will never abandon us,” giit ni Archbishop Brown.

Hamon ng nuncio sa mga mananampalataya na maging katuwang ng Simbahan sa paghahanap sa mga kapatid na hindi na nagsisimba, nanlalamig sa pananampalataya, o nawawalan ng pag-asa sa buhay upang muling mapag-alab ang ugnayan sa Panginoon.

“Maybe they are lost, and you can help find them. You can be like St. Anthony. You can bring them back to the Church in your own way,” panawagan ni Archbishop Brown.

Sinabi ng nuncio na nagsisimula ang misyong ito sa loob ng tahanan at komunidad kung saan may mga taong nangangailangan ng muling pag-akay sa Diyos.

Tinuran rin ng nuncio na si San Antonio ay naging mabisa sa kanyang pangangaral dahil ipinakita niya sa mga tao ang pag-ibig ni Hesus.

Tampok sa kapistahan ng Saint Anthony of Padua Parish sa Singalong, Maynila ngayong taon ang pagkakaroon ng spiritual bond of affinity o mas pinaigting na ugnayan ng parokya sa Pontifical Basilica of San Antonio di Padova sa Italy.

Sa pagninilay ng Simbahan sa buhay ni San Antonio, muling pinaalalahanan ng nuncio ang mga mananampalataya na maging mga saksi ng pag-ibig ni Kristo sa pamamagitan ng paghahanap, pag-abot, at pag-akay sa mga naliligaw upang muling maranasan ang pag-asa at kagalakang nagmumula sa Diyos.

Matapos ang banal na misa ay isinagawa ang maringal na prusisyon ng mga tinaguriang Franciscan saints na umikot sa mga pangunahing lansangan na nasasakupan ng parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,309 total reads

 54,309 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,805 total reads

 140,805 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,842 total reads

 183,842 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,601 total reads

 233,601 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,251 total reads

 392,251 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top