Pre-impeachment trial ni VP Sara, ibukas sa media at publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,761 total reads

Nanawagan ang grupong Bantay Senado sa Senate Impeachment Court na buksan sa media at publiko ang pre-trial conference sa June 18 kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa grupo, mahalagang maging bukas at transparent ang buong proseso dahil ang impeachment ay usaping may malaking epekto sa publiko.

Ipinaliwanag ng Bantay Senado na sa pre-trial conference tatalakayin ang mga ebidensiya, mga testigo, at iba pang tuntunin na magiging batayan ng paglilitis.

Dahil dito, iginiit ng grupo na may karapatan ang mamamayan na malaman at masubaybayan ang mga mahahalagang hakbang sa kaso.

Sinabi ni Bantay Senado convenor at spokesperson Professor Cleve Arguelles na ang impeachment trial ay hindi pribadong usapin kundi isang prosesong konstitusyonal na ginagawa para sa sambayanang Pilipino.

“The impeachment trial of a sitting Vice President is not a private legal dispute between two parties. It is a constitutional process conducted in the name of the Filipino people. Every stage of that process — including the pre-trial — must be conducted transparently. The public is not an optional participant to the proceedings,” ayon sa pahayag ni Arguelles.

Nilinaw naman ng grupo na wala itong pinapanigang kampo sa kaso laban kay Duterte, ngunit naniniwala itong mahalaga ang transparency upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa proseso.

Sinabi naman ni UP College of Law Assistant Professor Michael Tiu Jr. na ang impeachment ay usaping may malaking interes sa publiko kaya dapat maging bukas ang pagdinig maliban kung may matibay na dahilan upang ito ay isagawa nang sarado.

“Closing it to the public and media without compelling constitutional justification may raise serious questions about the court’s commitment to due process and open justice. Transparency at the pre-trial stage is not incompatible with fair proceedings,” saad pa Tiu.

Hinimok ng Bantay Senado ang impeachment court na muling pag-aralan ang desisyon at payagan ang media at publiko na masaksihan ang pre-trial conference.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 131,554 total reads

 131,554 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 174,660 total reads

 174,660 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 224,418 total reads

 224,418 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 383,612 total reads

 383,612 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 404,701 total reads

 404,701 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top