Senate leadership change, rason ng ipinatawag na special session ng kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,279 total reads

Naniniwala ang mga mambabatas ng Makabayan bloc na ang pangunahing dahilan ng ipinatawag na ‘special session’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay may kaugnayan sa usapin ng leadership change ng Senado.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Mabayan bloc, malinaw na nakatuon ang usapin sa naging kaguluhan sa Senado na kung sino ang mayorya at minorya at hindi tungkol sa mga nakabinbing panukala.

“Everyone knows this is about the Senate leadership change more than any legislative measure,” ayon sa pahayag.

Sa kabila nito, nanawagan ang mga mambabatas sa publiko na higit pang maging mapagbantay, lalo na sa anumang pagpapalit ng liderato sa Senado para makalusot o makaiwas sa pananagutan ang mga senador na may kinahaharap na alegasyo ng korapsyon.

“Any leadership change should not be an occasion to get off the hook senators who face corruption charges,” ayon sa Makabayan bloc.

Gayundin ayon sa mga kongresista ang posibleng pag-usad ng pinahinang bersyon ng anti-political dynasty bill na maaring lamang mas magbigay daan sa mga umiiral na political dynasty sa bansa.

“We likewise warn the public on the passage of the watered-down anti-dynasty bill which is actually a bill legitimizing dynasties,” ayon pa sa pahayag.

Ang Makabayan bloc ay binubuo ng mga mambabatas mula sa progresibong partylist na kinabibilangan nina Representatives Antonio Tinio (ACT Tearchers), Sarah Elago (Gabriela) at Renee Co (Kabataan).

Una na ring ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng ‘special session’ sa Kongreso na itinakda bukas, June 17.

Ayon sa Proclamation No. 1318, layunin ng hakbang na pabilisin ang pagpasa ng mga panukalang batas na magpapalakas sa social protection programs ng pamahalaan at magbibigay ng dagdag na suporta sa mga Pilipinong apektado ng mga kalamidad at hamon sa enerhiya.

Ang Special Session ng Kongreso, ay isang natatanging pagpupulong ng Senado at Kamara na ipinapatawag ng Pangulo upang agarang talakayin at aksyunan ang mahahalagang usapin kahit naka-recess ang Kongreso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,842 total reads

 46,842 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,345 total reads

 133,345 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,382 total reads

 176,382 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,140 total reads

 226,140 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,275 total reads

 385,275 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top