PBBM, umaasang matatapos na sigalot sa Middle East

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,482 total reads

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluyan nang matatapos ang tensyon sa Middle East kasunod ng napaulat na ceasefire agreement sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Sa isang joint press briefing kasama si German President Frank-Walter Steinmeier, sinabi ng Pangulo na malaking ginhawa para sa maraming bansa ang posibleng kasunduan upang wakasan ang hidwaan.

“That is what we have been hoping for since the day after the war started. We hope, we pray, that this is the case, that it is over, the war is over, and it will be a lasting peace,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, ramdam sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas, ang epekto ng sigalot, lalo sa presyo ng langis at sa pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya.

Giit ni Marcos, mahalaga na matuloy ang kasunduan upang makapagbigay-daan sa pagbangon ng ekonomiya at mabawasan ang epekto ng krisis sa enerhiya.

Umaasa rin ang punong ehekutibo na magiging tuloy-tuloy ang proseso at hindi na muling mauwi sa panibagong tensyon ang sitwasyon sa rehiyon.

Ang pahayag ay kasabay na rin naging pagbisita ng Pangulo ng Germany sa Pilipinas.

Kabilang din sa tinalakay sa pagbisita sa Malacañan ni Steinmeier ang usapin sa kalakalan, investment, at renewable energy.

Kasunod nito ay ang bilateral meeting sa pagitan ni Pangulong Marcos at President Steinmeier, kung saan ay inaasahang mapag- uusapan ang tungkol sa pagnenegosyo, pamumuhunan, depensa, maritime cooperation, renewable energy at iba pang larangan na may kinalaman sa kooperasyon ng Pilipinas at Germany.

Ito ang kauna-unahang state visit ng isang German head of state sa Pilipinas matapos ang mahigit anim na dekada, mula nang dumating sa bansa si dating German President Heinrich Lübke noong 1963

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,790 total reads

 46,790 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,293 total reads

 133,293 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,330 total reads

 176,330 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,088 total reads

 226,088 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,228 total reads

 385,228 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top