Banal na misa sa feast of St. Sharbel Makhlouf, pangungunahan ng Apostolic Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,349 total reads

Ibinahagi ng Family of Saint Sharbel Philippines ang mga gawain para sa kapistahan ni San Sharbel Makhlouf sa July 24, na tampok ang pakikibahagi ng ilang pinuno ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa mga banal na misa at debosyon bilang paghahanda sa kapistahan ng kilalang “milagrosong monghe ng Lebanon.”

Isasagawa ang Misa nobenaryo mula July 15 hanggang 23, ganap na alas-6 ng gabi, sa Our Lady of the Assumption Parish sa Leveriza, Malate, Manila, kung saan kasalukuyang nakadambana ang relikya ng banal.

Bilang bahagi ng nobenaryo, pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang banal na misa sa July 19 ganap na alas-10 ng umaga.

Isasagawa rin sa July 22 ang Mass for the Sick with Blessing and Distribution of the Holy Oil of St. Sharbel sa alas-8 ng umaga, kung saan inaasahang dadalo ang maraming deboto upang ipagdasal ang kagalingan ng mga may karamdaman.

Sa araw ng kapistahan sa July 24, pangungunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang Solemn Pilgrim Mass sa Manila Cathedral ganap na alas-9 ng umaga.

Susundan ito ng banal na misa sa alas-12 ng tanghali sa Our Lady of the Assumption Parish na pamumunuan ni Fr. Dave Concepcion, chaplain ng Sto. Niño de Paz Greenbelt Chapel.

Magkakaroon din ng Holy Hour at Kumpisal sa alas-3 ng hapon, bago ang pagtatapos ng pagdiriwang ng Fiesta Mass sa alas-6 ng gabi, na pangungunahan ni Balanga Bishop Rufino Sescon Jr.

Sa Pilipinas, patuloy na lumalawak ang debosyon sa santo, lalo na sa mga humihiling ng kagalingan, espirituwal na lakas at pag-asa.

Si San Sharbel Makhlouf ay isang paring Maronite mula sa Lebanon na isinilang noong 1828.

Inialay ang kanyang buhay sa panalangin, katahimikan, pag-aayuno, at paglilingkod sa Diyos bilang isang ermitanyo.

Pumanaw ang santo noong 1898, at kasunod ng kanyang pagpanaw ay maraming himala at kagalingan ang iniugnay sa kanya.

Idineklara siyang santo ni Pope St. Paul VI noong 1977.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 17,654 total reads

 17,654 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 56,746 total reads

 56,746 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 92,046 total reads

 92,046 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 318,316 total reads

 318,315 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 210,627 total reads

 210,626 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top