Pamahalaan, pinag-iingat ng PMPI sa bagong pamumuhunan ng CANADA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,054 total reads

Nanawagan ang Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI) sa pamahalaan na tiyaking ang mga bagong pamumuhunan sa bansa, kabilang ang mga mula sa Canada, ay magsisilbi hindi lamang sa paglago ng ekonomiya kundi maging sa pangangalaga sa kalikasan, karapatang pantao, at kapakanan ng mga komunidad.

Ito ang binigyang-diin ng PMPI kasunod ng pahayag ng pamahalaan na bukas ang Pilipinas sa mas maraming negosyo at investment partnerships, kabilang ang pagmimina at mineral processing na itinuturing na may malaking potensyal sa paglago ng ekonomiya.

Ayon kay PMPI National Coordinator Yolanda Esguerra, may pananagutan ang pamahalaan na tiyaking ang mga kasunduang pang-ekonomiya ay hindi magdudulot ng pagkasira ng kalikasan at paglabag sa karapatan ng mga katutubo at lokal na komunidad kapalit ng panandaliang pakinabang.

“An architect who refuses to listen to the people who will use the building is bound to design one that eventually fails. Governance is no different. Foreign policy cannot be built around the preferences of a powerful few while those who bear the environmental and social costs are treated as afterthoughts,” pahayag ni Esguerra.

Binigyang-diin din ng organisasyon na napatunayan na sa mga nakalipas na malawakang proyekto ng pagmimina ang pagkakahati ng mga komunidad, pagkasira ng kalikasan, at paglabag sa karapatan ng mga katutubo at environmental defenders.

Iginiit din ng PMPI na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga pamumuhunan o kasunduang nalalagdaan, kundi sa pangangalaga sa kalikasan, paggalang sa karapatan ng mga pamayanan, at kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Ayon kay Esguerra, dapat lamang tanggapin ng Pilipinas ang mga pamumuhunang lumilikha ng disenteng trabaho at tunay na nakatutulong sa pambansang kaunlaran nang hindi isinasakripisyo ang tao at kalikasan.

“As we pursue partnerships and investments, we must also ensure that they strengthen, rather than diminish, the ecosystems and communities upon which our nation’s future depends,” dagdag ni Esguerra.

Sa pananaw ng Simbahan, ang pag-unlad ay hindi dapat isulong sa kapinsalaan ng tao at kalikasan, kundi maging daan upang higit na mapangalagaan ang buhay, dignidad, at ang nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 24,670 total reads

 24,670 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 110,039 total reads

 110,039 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 147,412 total reads

 147,412 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 178,671 total reads

 178,671 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 250,432 total reads

 250,432 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 78,046 total reads

 78,046 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top