Protect VIP, nanawagan ng katarungan sa pagpaslang kay Dr. Kent Carpenter

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,166 total reads

Nananawagan ng katarungan ang Protect Verde Island Passage (Protect VIP) campaign network sa pagpaslang sa kilalang American marine scientist na si Dr. Kent E. Carpenter, kasabay ng pakikiisa sa pagluluksa ng kanyang pamilya at ng buong marine conservation community.

Ayon sa Protect VIP, si Carpenter ang isa sa mga siyentistang nagbigay ng mahalagang ambag sa pagkilala sa Verde Island Passage (VIP) bilang “Center of the Center of Marine Shorefish Biodiversity,” na nagpatampok sa pandaigdigang kahalagahan ng yamang-dagat ng Pilipinas.

Binigyang-diin ni Protect VIP lead convenor Fr. Edwin Gariguez na inialay ni Carpenter ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang maipakita sa buong mundo ang natatanging biodiversity ng Verde Island Passage at ang pangangailangang mapangalagaan ito.

“Dr. Kent Carpenter dedicated his life to revealing the extraordinary richness of the Verde Island Passage to the world. His work reminded us that the Philippines carries a global responsibility to protect this irreplaceable marine treasure,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Ayon sa mga ulat, binaril at napaslang si Carpenter matapos pasukin ng tatlong armadong lalaki ang kanyang tahanan sa Negros Oriental, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulan upang matukoy ang motibo at mga responsable sa krimen.

Kasabay nito, hinimok ng Protect VIP ang mga kinauukulan na tiyakin ang masusing imbestigasyon sa insidente at palakasin ang proteksyon sa mga environmental defender, siyentista, at conservationists na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at sa kapakanan ng mga pamayanan.

“At the same time, we stand anew in solidarity with the call for the protection of environmental defenders who dedicate their lives to science, conservation, and the protection of our common home and of vulnerable communities,” dagdag ni Fr. Gariguez.

Naging katuwang ni Carpenter ang mga Pilipinong mananaliksik, conservationists, at mga pamayanang baybayin mula pa noong dekada 1970.

Noong 2024, nakiisa rin siya sa kampanya ng Protect VIP na nananawagang kilalanin ang Verde Island Passage bilang national marine protected area at mahalagang likas na pamana ng bansa.

Muling iginiit ng Protect VIP na ipagpapatuloy nito ang adbokasiyang isinulong ni Carpenter upang mapangalagaan ang Verde Island Passage at iba pang mahahalagang biodiversity areas sa Pilipinas.

“As we mourn his passing, we reaffirm our commitment to the cause that Dr. Carpenter championed: protecting the Verde Island Passage and all of our country’s biodiverse ecosystems and all communities who defend and rely on them,” ayon sa Protect VIP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 73,607 total reads

 73,607 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 213,417 total reads

 213,417 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 329,193 total reads

 329,193 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 446,988 total reads

 446,988 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 242,271 total reads

 242,271 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top