Pangako ni PBBM sa SONA, kinilala ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,526 total reads

Kinilala ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga positibong panukala at pangakong inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), ngunit iginiit na ang tunay na sukatan nito ay ang tapat, malinaw, at may pananagutang pagpapatupad ng mga ipinangako sa sambayanan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Bishop Bagaforo, Chairperson ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue at Convener ng InterReligious Leaders’ Council for National Transformation, na positibong hakbang ang pagtutok ng administrasyon sa pagpapalakas ng serbisyong panlipunan, edukasyon, pabahay, pangangalagang pangkalusugan, disenteng trabaho, repormang agraryo, kampanya laban sa katiwalian, reporma sa sektor ng enerhiya, at pagtatanggol sa soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.

Gayunman, nagpahayag ang Obispo ng pangamba sa patuloy na pagsusulong ng pamahalaan sa paggamit ng natural gas, nuclear power, at waste-to-energy technologies, na maaaring magpalala ng krisis sa kalikasan at makapagpabagal sa paglipat ng bansa sa malinis at renewable na pinagkukunan ng enerhiya.

“We remain deeply concerned that the administration continues to promote natural gas, nuclear power, and waste-to-energy technologies as part of the country’s energy future. These pathways risk prolonging dependence on fossil fuels, increasing ecological and public health risks, and delaying the transition toward truly clean, renewable, community-centered, and climate-resilient energy systems.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Pinuri rin ni Bishop Bagaforo ang matapang na paninindigan ng Pangulo laban sa katiwalian, kabilang ang pagsasampa ng mga kaso kaugnay ng anomalya sa mga flood control projects at iba pang usapin.

Gayunman, binigyang-diin ng Obispo na kinakailangang mapanagot ang lahat ng sangkot, anuman ang kanilang posisyon o impluwensiya sa pamahalaan.

“The call to ‘Panagutin ang lahat ng kurap’ and the reminder to public officials to ‘Mahiya naman kayo’ must be matched by impartial, fearless, and comprehensive enforcement of the law.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Kasabay nito, ikinatuwa rin ng Obispo ang matatag na paninindigan ng Pangulo sa pagtatanggol sa West Philippine Sea, ngunit iginiit na ang tunay na pambansang seguridad ay hindi lamang usapin ng depensa kundi maging ng pangangalaga sa kabuhayan at karapatan ng mga magsasaka, mangingisda, at mga katutubo laban sa mga mapanirang proyekto sa kalikasan.

Samantala, hinimok din ni Bishop Bagaforo ang sambayanang Pilipino na manatiling mapagbantay at patuloy na panagutin ang pamahalaan sa pagtupad sa mga pangakong binitiwan nito.

“Together, let us continue working for a nation founded on truth, justice, peace, and care for our common home.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Paalala ng Simbahang Katolika, ang mabuting pamamahala ay hindi nasusukat sa husay ng talumpati kundi sa kongkretong pagsasabuhay ng katotohanan, katarungan, pananagutan, at paglilingkod sa kabutihang panlahat, lalo na para sa mga mahihirap at higit na nangangailangan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,625 total reads

 22,625 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 3,713 total reads

 3,713 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,302 total reads

 40,302 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,708 total reads

 96,708 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,193 total reads

 220,193 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top