Ika-5 SONA ni PBBM, nakatuon sa pangako kaysa malinaw na pagtataya sa kalagayan ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,672 total reads

Binigyang-diin ni Atty. Domingo Cayosa, dating National President ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), na mahalagang magkaroon ng malinaw na sukatan, target, at takdang panahon ang mga pangakong inilalatag ng Pangulo sa State of the Nation Address (SONA) upang tunay na masukat ng taumbayan ang naging pagganap ng administrasyon.

Sa panayam sa espesyal na programang “Pag-uulat sa Bayan: State of the Nation Address 2026” ng Radyo Veritas, sinabi ni Atty. Cayosa na naging epektibo ang pagbubukas at pagtatapos ng talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na sa matapang nitong pagtalakay sa katiwalian at sa panawagan para sa pagkakaisa at pagtatanggol sa bansa.
“Maganda yung kanyang simula… mukhang ang address na ito ay para sa mamamayang Pilipino. Maganda yung simula niya kasi korapsyon yung pinakamainit kaya kaagad tinumbok niya. At yung kanyang ending, sino ba naman ang aayaw sa unity at ipagtanggol ang ating Inang Bayan,” Bahagi ng pahayag ni Cayosa.

Gayunman, sinabi ng abogado na bagama’t naging detalyado ang paglalahad ng Pangulo sa mga programa at plano ng pamahalaan, higit naman itong nakatuon sa mga pangako kaysa sa malinaw na pagtataya sa kasalukuyang kalagayan ng bansa at sa naging resulta ng mga naunang ipinangako ng administrasyon.

Ayon kay Atty. Cayosa, ang SONA ay hindi lamang dapat maging talaan ng mga proyektong isasagawa kundi isang ulat sa mamamayan kung gaano na kalayo ang narating ng pamahalaan sa pagtugon sa mga suliranin ng bansa.

Pagbabahagi nito, mas nakatuon ang talumpati sa mga pangako at paglalahad ng mga programa kaysa sa malinaw na pagsusuri sa tunay na kalagayan ng bansa at sa naging resulta ng mga naunang ipinangako ng administrasyon na siyang tunay na diwa at layunin ng SONA na nasasaad sa Saligang Batas.

“Ang purpose kasi ng SONA sa ating Saligang Batas kaya required iyan, kasi dapat una sasabihin mo ang state of the nation, ano na yung nagawa mo. Mukhang hindi siya masyadong pumunta doon sa state of the nation… nag-concentrate siya sa mga pangako at mga kuwento, hindi na niya sinukat ang sarili niya for the past five years o kahit noong nakaraang taon,” Paliwanag ni Atty. Cayosa.

Binigyang-diin pa nito na bagama’t mahalaga ang mga ipinangakong reporma, dapat ay may malinaw na performance indicators ang mga ito upang magkaroon ng batayan ang publiko sa pagsusuri sa susunod na SONA.

“Yung pangako, mas madali ‘yun kasi you can promise everything. Okay din naman, very specific ang kanyang binanggit. Kaya lang, kung kuwento, kulang ng kwenta. Ano yung kwenta? Ano ba yung target mo? Specifically, next year kapag magsasalita ka uli, saan ka ba namin susukatin diyan sa mga pangako mo? You have to have numbers,” Ani Atty. Cayosa.
Dagdag pa ng dating pinuno ng IBP, mahalaga ring tukuyin ng pamahalaan ang time frame ng mga programa dahil ang ilan sa mga ito ay hindi na maaaring maisakatuparan sa nalalabing dalawang taon ng kasalukuyang administrasyon.

“Plano kasi ito, pangako, plano. Ano yung time frame mo? Yung iba nga na pinapangako niya hindi magagawa in the next two years. Magandang pakinggan pero kailan ba ‘yan mangyayari? Sa tingin ko doon siya nagkulang—maraming detalye ng kuwento pero kulang ng detalye sa kwenta,” Ayon pa kay Atty. Cayosa.

Paalala ng Simbahang Katolika, ang mabuting pamamahala ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga pangako kundi sa tapat na pananagutan at konkretong pagtupad sa mga ito, kung saan inaasahan ng taumbayan ang pamumuno nang may katapatan, transparency, at pananagutan upang matiyak na ang bawat ipinapangakong programa ay tunay na nagsisilbi sa kabutihang panlahat, lalo na sa mga higit na nangangailangan sa lipunan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,563 total reads

 22,563 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,690 total reads

 22,690 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 3,644 total reads

 3,644 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,235 total reads

 40,235 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,641 total reads

 96,641 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,130 total reads

 220,130 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top