Turn-over ng solar-powered water system, pinangunahan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,106 total reads

Pinangunahan ng Caritas Philippines ang pagpapatupad at pormal na turnover ng Solar-Powered Water System sa mga Barangay Barcelonita at Sta. Cruz sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur bilang bahagi ng Empowering Coastal Communities (ECCORD) Project upang tiyakin ang sapat at ligtas na suplay ng malinis na inuming tubig sa mga komunidad.

Isinagawa ang pagbabasbas at turnover ng proyekto sa pangunguna ni Caritas Diocese of Libmanan Executive Director Father Romulo Castañeda kasama si Assistant Director Rev. Fr. Aldrin Adolfo, habang nilagdaan naman ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Caritas Diocese of Libmanan at ng mga pamahalaang barangay upang tiyakin ang pangangalaga at pagpapatuloy ng operasyon ng pasilidad.

Ang proyekto ay pinondohan ng Caritas Australia at ipinatupad ng Caritas Philippines katuwang ang Caritas Diocese of Libmanan.

“The project was introduced in response to the communities’ long-standing need for safe and potable water for household use. The proposal to install the solar-powered water system was approved in April 2026, providing a sustainable solution that will improve access to clean water and enhance the quality of life of the residents,” ayon sa mensaheng ibinahagi ng Caritas Diocese of Libmanan

Itinayo ang solar-powered water system bilang tugon sa matagal nang suliranin ng mga residente sa pagkakaroon ng ligtas at malinis na tubig para sa pang-araw-araw na gamit.

Inaasahang makikinabang dito ang may 527 kabahayan, kabilang ang 272 pamilya sa Barangay Sta. Cruz at 255 pamilya sa Barangay Barcelonita, pati na rin ang mga karatig na komunidad.

“Caritas Philippines, through the Empowering Coastal Communities (ECCORD) Project and in partnership with Caritas Diocese of Libmanan and Caritas Australia, Turnover the Solar-Powered Water System in Barangays Barcelonita and Sta. Cruz, Cabusao, Camarines Sur. The project was established in response to the communities’ long-standing need for safe and potable water. It is expected to benefit approximately 272 households in Barangay Sta. Cruz and 255 households in Barangay Barcelonita, including nearby communities. This reflects Caritas Philippines’ commitment to building resilient and empowered communities through sustainable and life-giving initiatives that uphold the dignity and well-being of every person,” mensahe ng Caritas Philippines sa Radyo Veritas.

Ayon sa Caritas Philippines, bahagi ang proyekto ng patuloy nitong pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga komunidad, kabilang ang access sa malinis na tubig, pagpapalakas ng kakayahan ng mga mamamayan, at pagtataguyod ng dignidad ng bawat tao sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.

Larawan mula sa Caritas Diocese of Libmanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 16,766 total reads

 16,766 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 82,823 total reads

 82,823 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 102,129 total reads

 102,129 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 180,516 total reads

 180,516 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 224,090 total reads

 224,090 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top