Para hindi maging corrupt, gawing inspirasyon si San Mateo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,432 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga Pilipino na gawing inspirasyon si San Mateo sa pagbabago ng buhay at pagtigil sa anumang uri ng katiwalian.

Sa kanyang pagninilay sa kapistahan ni San Mateo, binigyang-diin ng arsobispo ang kuwento ng dating maniningil ng buwis na iniwan ang kanyang dating buhay matapos siyang tawagin ni Hesukristo na sumunod sa Kanya.

“That is perhaps the most beautiful part of Matthew’s story. He got up. He left behind an old way of life and began again. And this makes me wonder: What if all our corrupt officials in the Philippines would “do a Matthew”? What if those who have stolen public money would one day hear Jesus saying, “Follow me”—and actually get up? What if they admitted what they had done? What if they returned what did not belong to them? What if they stopped using public office for personal enrichment and began using it for genuine public service?,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon kay Archbishop Uy, mahalaga ang pagbabagong ito lalo na sa harap ng problema ng katiwalian at maling paggamit ng pera ng bayan.

Sinabi ng arsobispo, ang tunay na pagsisisi ay hindi lamang pag-amin sa nagawang mali kundi dapat makita sa pagbabago ng buhay, pagtanggap ng pananagutan at, kung maaari, pagsasauli ng hindi naman pag-aari.

Ayon pa kay Archbishop Uy, “No sinner is beyond conversion. No corrupt person is beyond repentance. But genuine repentance cannot remain in words. It must bear fruit—in truth, restitution where possible, accountability, and a changed life.”

Kapag nangyari ito ayon sa arsobispo, mas maraming pondong inilaan para sa mga paaralan, ospital, magsasaka, manggagawa, pabahay at imprastraktura ang tunay na makararating sa mga nangangailangan.

Ngunit ayon sa arsobispo, hindi lamang mga opisyal ng pamahalaan ang kailangang magbago.

Nagsisimula rin ang katiwalian sa puso kapag inuuna ng tao ang sariling pakinabang, iniisip na walang makaaalam o ipinapalagay na normal lamang ang maling gawain.

Kaya mahalaga ayon kay Archbishop Uy ang pagbabago ng puso, kasabay ng mga batas, imbestigasyon at pananagutan.

Sa mensahe ng Ebanghelyo, binibigyan ni Hesus ng pagkakataon ang mga makasalanan na magbago at magsimulang muli.

Hinikayat ni Archbishop Uy ang mga Pilipino na maging tulad ni San Mateo—may tapang na iwan ang maling gawain at piliin ang katapatan, paglilingkod at kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 51,415 total reads

 51,415 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 137,915 total reads

 137,915 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 180,952 total reads

 180,952 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 230,711 total reads

 230,711 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 389,526 total reads

 389,526 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top