Deboto ng Nuestra Señora de Peñafrancia, hinimok na isabuhay ang debosyon sa pagmamalasakit sa kapwa at pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,811 total reads

Hinimok ni Cáceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang mga deboto ng Nuestra Señora de Peñafrancia na isabuhay ang kanilang debosyon sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa gayundin ang pangangalaga sa kalikasan.

Ito ang mensahe ng arsobispo kasunod ng hindi pangkaraniwang pagkatuyo ng Bicol River na nakaapekto sa tradisyunal na fluvial procession ng patrona ng Bicolandia ngayong taon.

Sa panayam sa Radyo Veritas, sinabi ni Archbishop Alarcon na hindi dapat manatili sa panlabas na pagpapakita ng debosyon ang mga mananampalataya, kundi dapat itong makita sa kanilang pananagutan sa mga nilikha ng Diyos.

“Ang ating debosyon ay hindi lang yung pagdampi ng ating mga kamay sa image of Our Lady of Peñafrancia, kundi yung paggamit ng ating mga kamay sa pangangalaga at pagpapaunlad ng anumang ipinagkatiwala sa atin ng Panginoon,” ayon kay Archbishop Alarcon.

Iniuugnay ng arsobispo ang pagdiriwang ng kapistahan sa Season of Creation, na ipinagdiriwang tuwing Setyembre, at sa pagkilala kay Maria bilang ina na nangangalaga sa Simbahan at sa buong sangnilikha.

Aniya, si Maria ay maaaring makita bilang “Ina, Our Lady of Peñafrancia, inang simbahan, at inang kalikasan,” kaya mahalagang maging bahagi ng debosyon ang pagiging mabuting katiwala sa sangnilikha.

Binigyang-diin din ni Archbishop Alarcon na ang tunay na debosyon ay dapat magpalalim ng pakiramdam ng ugnayan ng tao sa Diyos.

“Devotion is really to have that heightened sense, maigting na pakiramdam, sa Diyos, sa kapwa, sa kalikasan, at saka sa sarili,” dagdag pa ng arsobispo.
Samantala, sinabi ni Msgr. Juan Buentiempo, ang nagdisenyo ng Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia at ng andas ng Mahal na Ina, ay ngayon lang nasaksihan ang matinding pagbaba ng lebel ng tubig sa ilog.

“Since I was a seminarian sometime in the 1960s until I became a priest and until now, ay wala pa kaming naranasang ganung nangyaring tuyong tuyo yung ilog,” pahayag ni Msgr. Buentiempo.

Sa kabila ng mga pagkaantala at abala sa prusisyon, pinuri ng pari ang pagtitiis at pananampalataya ng mga deboto.

“Devotees were so patient. They are ready to experience inconveniences, problems, and no complaint,” aniya.

Sinabi ni Msgr. Buentiempo na ang pagtitiyaga ng mga deboto sa gitna ng mga pagsubok ay bahagi rin ng malalim na ugnayan ng mga Bicolano sa Mahal na Birhen.

Alas 9 ng gabi na nang magsimula ang fluvial procession na karaniwang isinasagawa sa hapon dahil sa mababang lebel ng tubig sa ilog.

Pinasalamatan ni Archbishop Alarcon ang 1.2 milyong deboto na nakiisa sa pagdiriwang sa kabila ng pagkaantala, gayundin ang mga katuwang na organisasyon, kabilang ang lokal na pamahalaan, na nagpapanatiling maayos at mapayapa ang pagdiriwang ng pista ng Peñafrancia.

Hinikayat ng arsobispo ang mga deboto, kabilang ang mga dumaranas ng karamdaman at iba pang paghihirap, na huwag mawalan ng malasakit sa kapwa.

Aniya, maging ang sakit at kahinaan ng tao ay bahagi ng karanasang tinanggap mismo ni Hesus sa kanyang pagkakatawang-tao.

“Sa ating karamdaman, alalahanin natin na tinanggap din ni Hesus ang ating kahinaan, ang ating luha, ang ating pawis, at ang pagpapadanak ng dugo,” aniya.

Iginiit niya na ang debosyon sa Mahal na Birhen ay dapat humantong sa mas malalim na malasakit, habag at pananagutan sa Diyos, sa kapwa, sa kalikasan at sa sarili.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 67,482 total reads

 67,482 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 153,981 total reads

 153,981 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 197,017 total reads

 197,016 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 246,776 total reads

 246,775 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 404,717 total reads

 404,717 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top