Smoke-free at VAPE free Environment Act, suportado Magalong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,382 total reads

Nagpahayag ng suporta si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagsusulong ng House Bill No. 9603 o ang proposed Smoke-Free and Vape-Free Environment Act na naglalayong magtatag ng isang total vape-free environment sa bansa upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko, lalo na ng mga kabataan.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, ibinahagi ni Magalong na siya ring convenor ng Mayors for Good Governance (M4GG) na malaking pagbabago ang naidulot ng mahigpit na pagpapatupad ng smoke-free ordinance sa Baguio City.

Ayon sa alkalde, bumaba ang bilang ng mga kaso ng sakit sa baga at mas napapansin ng mga residente at turista ang malinis na hangin sa lungsod.

“Ang laking bagay ng pagpapahigpit namin, lalo-lalo na sa smoking. Dahil bumaba ang cases namin ng mga lung diseases dito sa lungsod ng Baguio. Ina-appreciate ito ng ating mga residente at maging ng mga turista dahil napakalinis ng hangin dito,” Bahagi ng pahayag ni Magalong.

Ipinaliwanag din ng alkalde na ipinatutupad sa Baguio ang smoke-free ordinance mula pa noong 2017 at lalo pa itong pinalakas nang maupo siya bilang alkalde noong 2019.

Pagbabahagi ni Magalong, pinahihintulutan lamang ang paninigarilyo sa loob na lamang ng sariling tahanan dahil mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo at pagva-vape sa mga pampublikong lugar, kung saan nagbabala rin ang alkalde sa lumalalang paggamit ng vape ng mga menor de edad.

“Mayroon kaming mga nahuhuling mga 12 years old na nagva-vape. Kung minsan dinadala pa nila ang kanilang mga devices hanggang sa loob ng classroom,” Dagdag pa ni Magalong.

Ayon sa alkalde, malaking hamon ang pagpigil sa pagbebenta ng vape dahil karamihan ay nabibili na sa online platforms at gumagamit ng mga device na nakadisenyong magmukhang ordinaryong gamit tulad ng pabango, flash drive, o tetra pack.

Kaugnay nito, sinabi ni Magalong na mahalaga ang pagkakaroon ng cessation support, counselling, at behavioral change programs para sa mga gumagamit ng vape, kabilang ang aktibong pakikilahok ng mga magulang, paaralan, at mga health workers.

Pinuri rin ng alkalde ang inisyatiba sa pagsusulong ng House Bill No. 9603 at tiniyak ang buong suporta ng Baguio City sa panukala.

“Full support kami sa total vape-free environment. Dapat talagang mas matindi pa ang mga regulasyon pagdating sa smoking,” Ani Magalong.

Dagdag pa ng alkalde, hihikayatin din niya ang mga kasapi ng Mayors for Good Governance na suportahan ang panukalang batas upang higit pang mapalawak ang pagpapatupad ng smoke-free policies sa iba’t ibang lokal na pamahalaan.

“Isipin natin na ito ay para sa kalusugan at kinabukasan ng ating mga kabataan at para maging maayos ang air quality sa ating kapaligiran.” Ayon pa kay Magalong.

Pinaalalahanan naman ni Mayor Magalong ang mga gumagamit ng vape na itigil na ang bisyo habang maaga upang maiwasang ang masamang epekto nito sa kalusugan.

“It takes a lot of will and determination para ihinto mo ang paninigarilyo. Mas nakakatakot pa sa vape dahil mas matindi pala ang health implications nito.” Apela ni Magalong.

Paalala ng Simbahang Katolika na ang pangangalaga sa buhay at kalusugan ay pananagutang moral ng bawat tao, kung saan nasasaad din sa Catholic Social Teaching na mahalagang pangalagaan ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga patakarang nagpoprotekta sa buhay, lalo na ng mga kabataan, at ng sama-samang pagkilos ng pamilya, pamahalaan, at komunidad upang maiwasan ang mga bisyong sumisira sa dignidad at kinabukasan ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,674 total reads

 48,674 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,175 total reads

 135,175 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,212 total reads

 178,212 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,971 total reads

 227,971 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 387,002 total reads

 387,002 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top