Mamamayang may integridad,malasakit at pananagutan tunay na sukatan ng maunlad na bansa-CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,136 total reads

Iginiit ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na ang tunay na sukatan ng pag-unlad ng bansa ay hindi lamang nakikita sa mga naitayong imprastraktura o paglago ng ekonomiya kundi sa paghubog ng mga mamamayang may integridad, malasakit, at pananagutan.

Sa pahayag na may titulong “Seeing Our Nation Anew” bilang tugon sa State of the Nation Address (SONA) 2026 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ng CEAP na mahalagang tingnan ang kalagayan ng bansa batay sa kalidad ng mga institusyon at sa dignidad ng bawat mamamayan.

“The answer cannot rest on statistics alone. It is revealed in the moral quality of our institutions, the credibility of our public servants, the dignity afforded to the poor, the confidence of workers and families, and the hope entrusted to the young,” Bahagi ng pahayag ng CEAP.

Kinilala naman ng samahan ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagsusulong ng pananagutan sa mga proyektong pampubliko, pangangalaga sa mga Overseas Filipino Workers, pagpapalakas ng seguridad sa pagkain, paghahanda sa kalamidad, at pagprotekta sa mga Pilipino laban sa epekto ng krisis sa ekonomiya.

Gayunpaman, binigyang-diin ng CEAP na higit sa mga imprastraktura at tagumpay sa ekonomiya, ang pinakamahalagang maiiwan ng anumang administrasyon ay ang uri ng kulturang sibiko at pagpapahalagang naipapasa nito sa mamamayan.
Dahil dito, nanawagan ang samahan sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Kongreso, mga institusyong pang-edukasyon, pamilya, at iba pang katuwang na organisasyon na bigyang prayoridad ang pagpapanumbalik ng kalidad ng pagkatuto, paggalang sa dignidad ng mga guro, at paghubog ng mga mamamayang may kritikal na pag-iisip, malasakit, at responsableng pamumuno.

“Every administration ultimately leaves behind more than roads, railways, or economic gains. It leaves a civic culture. It shapes what a people learn to admire, tolerate, or reject. We therefore hope that the same clarity of purpose brought to infrastructure, governance, and economic recovery finds equal expression in the work of education… The country’s greatest investment remains the Filipino people.” Dagdag pa ng CEAP.

Bilang mga tagapagtaguyod ng edukasyong Katoliko, sinabi ng CEAP na ang kinabukasan ng bansa ay nahuhubog sa bawat pagkakataong naituturo ang katotohanan, nagigising ang budhi, at natututuhan ng kabataan na ang pagmamahal sa bayan ay ipinakikita sa paglilingkod at sakripisyo.

“The future of our country is formed long before it is governed. It is formed wherever truth is taught without compromise, where conscience is awakened, where solidarity overcomes indifference, and where young people discover that love of country is measured by sacrifice rather than personal ambition,” Ayon pa sa CEAP.

Paalala ng Simbahang Katolika na ang edukasyon ay isang mahalagang misyon sa paghubog ng tao at ng lipunan sapagkat sa pamamagitan ng edukasyong humuhubog sa budhi at pananagutan, nagiging posible ang pagtatayo ng isang lipunang may katarungan, kapayapaan, at kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 29,850 total reads

 29,850 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 137,798 total reads

 137,798 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 182,468 total reads

 182,468 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 204,674 total reads

 204,674 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 240,306 total reads

 240,306 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top