Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,181 total reads

Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay.

Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng kanyang lambat. Hindi lahat ay iuuwi niya. Ang iba ay ibabalik sa dagat.

Ganyan din daw sa mahusay na maybahay. Mula daw sa imbakan niya ng mga bagay-bagay sa bodega, may bago at may luma. Hindi naman lahat ng bagay na bago ay mahalaga at dapat sinupin. At may mga bagay na kung kailan naluluma lalong nagiging mahalaga.

May pamantayan sa pagpili ng iuuwi ng mangingisda. May pamantayan din sa pagpili ng maybahay sa mga dapat manatili sa kanyang bodega. Ang pamantayan ay silbi o halaga.

Ganyan din daw sa kaharian ng Diyos. Isang prinsipyong walang pinagkaiba sa ugali ng mga taong may layunin sa buhay. Namimili rin ng dapat pagkaabalahan o pagtuunan ng pansin. Ang pamantayan ay pareho din: mahalaga ba ito? Makahulugan ba ito? May maitutulong ba ito sa aking pagtupad sa aking layunin sa buhay?

Nagiging makalat ang buhay na walang layunin. Walang pamantayan na kahalagahan o kahulugan sa pagpili ng mga bagay-bagay na dapat isaisip o isapuso, mga dapat tandaan o kalimutan, mga dapat paglaanan ng oras o bigyang pansin, mga bagay na dapat isagawa at hindi.

Ganyan din ang punto ng kuwento ni Propeta Jeremias tungkol sa tagamolde ng palayok. Pumipili din daw siya ng disenyong ibig niyang gawin sa luwad. Naalala ko ang kuwento tungkol sa isang batang namangha sa inukit na disenyo ng lolo niya ng isang leon sa isang pirasong kahoy. “Lolo paano nyo nalaman na may leon sa loob ng kahot?” Sagot ng lolo, “Bago ko ito nakita sa loob ng kahoy, nakita ko muna sa loob ko.”

Sa panalanging itinuro sa atin ng Panginoon, magkasunod ang linyang “mapasaamin ang kahaarian mo” at “sundin ang loob mo.” Hindi sasaatin ang kaharian ng Diyos kung hindi natin aalamin o kikilakanin ang kalooban ng Diyos. Paano siya namimili, paano siya nagsasaayos? Ano ang layunin niya? Ano ang mahalaga at makahulugan para sa kanya?

Kung ibig mo daw mapasunod ang tao sa maayos at malinis na kapaligiran, huwag mong isuko ang pagsasaayos at paglilinis. Unahan mo sa paglilinis ang mga mahilig na magkalat. Ipakita at iparamdam ang malasakit. Pag sinabing, “Ay ang linis! Maayos!” May nagmamalasakit. Huwag tayong magkakalat. Nakakahawa ang malasakit para kalinisan at kaayusan. Ang pag-uugali, kapag mula sa pansarili ito ay napagkakaisahan, ito ay nagiging kultura. Gagawin kahit hindi ipag-utos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 131,358 total reads

 131,358 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 174,473 total reads

 174,473 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 224,231 total reads

 224,231 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 383,425 total reads

 383,425 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 404,523 total reads

 404,523 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

REMEMBER ME

 14,995 total reads

 14,995 total reads Homily for All Souls’ Day — November 2, 2026, Wisdom 3:1–9; Psalm 23; Romans 6:3–9; John 6:37–40 In 1987, when I was still

Read More »

DAKILANG PAGKATAO

 8,640 total reads

 8,640 total reads Homiliya para sa Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal (Todos los Santos) Nobyembre 1, 2026 Pahayag 7:2–4, 9–14; 1 Juan 3:1–3; Mateo

Read More »

ANG ARAW NI KRISTO HESUS

 24,744 total reads

 24,744 total reads Isang Pagninilay Tungkol sa Kinabukasan ng Sangkatauhan Malapit na naman ang panahon ng Adbiyento. Bagama’t ilang linggo pa bago ito magsimula, nais ko

Read More »

UNLEARNING OLD HABITS

 24,752 total reads

 24,752 total reads Old habits are indeed difficult to unlearn. And nowhere is this perhaps more evident than in the way our House of Representatives continues

Read More »
Scroll to Top