Mamamayang may integridad,malasakit at pananagutan tunay na sukatan ng maunlad na bansa-CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,557 total reads

Iginiit ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na ang tunay na sukatan ng pag-unlad ng bansa ay hindi lamang nakikita sa mga naitayong imprastraktura o paglago ng ekonomiya kundi sa paghubog ng mga mamamayang may integridad, malasakit, at pananagutan.

Sa pahayag na may titulong “Seeing Our Nation Anew” bilang tugon sa State of the Nation Address (SONA) 2026 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ng CEAP na mahalagang tingnan ang kalagayan ng bansa batay sa kalidad ng mga institusyon at sa dignidad ng bawat mamamayan.

“The answer cannot rest on statistics alone. It is revealed in the moral quality of our institutions, the credibility of our public servants, the dignity afforded to the poor, the confidence of workers and families, and the hope entrusted to the young,” Bahagi ng pahayag ng CEAP.

Kinilala naman ng samahan ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagsusulong ng pananagutan sa mga proyektong pampubliko, pangangalaga sa mga Overseas Filipino Workers, pagpapalakas ng seguridad sa pagkain, paghahanda sa kalamidad, at pagprotekta sa mga Pilipino laban sa epekto ng krisis sa ekonomiya.

Gayunpaman, binigyang-diin ng CEAP na higit sa mga imprastraktura at tagumpay sa ekonomiya, ang pinakamahalagang maiiwan ng anumang administrasyon ay ang uri ng kulturang sibiko at pagpapahalagang naipapasa nito sa mamamayan.
Dahil dito, nanawagan ang samahan sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Kongreso, mga institusyong pang-edukasyon, pamilya, at iba pang katuwang na organisasyon na bigyang prayoridad ang pagpapanumbalik ng kalidad ng pagkatuto, paggalang sa dignidad ng mga guro, at paghubog ng mga mamamayang may kritikal na pag-iisip, malasakit, at responsableng pamumuno.

“Every administration ultimately leaves behind more than roads, railways, or economic gains. It leaves a civic culture. It shapes what a people learn to admire, tolerate, or reject. We therefore hope that the same clarity of purpose brought to infrastructure, governance, and economic recovery finds equal expression in the work of education… The country’s greatest investment remains the Filipino people.” Dagdag pa ng CEAP.

Bilang mga tagapagtaguyod ng edukasyong Katoliko, sinabi ng CEAP na ang kinabukasan ng bansa ay nahuhubog sa bawat pagkakataong naituturo ang katotohanan, nagigising ang budhi, at natututuhan ng kabataan na ang pagmamahal sa bayan ay ipinakikita sa paglilingkod at sakripisyo.

“The future of our country is formed long before it is governed. It is formed wherever truth is taught without compromise, where conscience is awakened, where solidarity overcomes indifference, and where young people discover that love of country is measured by sacrifice rather than personal ambition,” Ayon pa sa CEAP.

Paalala ng Simbahang Katolika na ang edukasyon ay isang mahalagang misyon sa paghubog ng tao at ng lipunan sapagkat sa pamamagitan ng edukasyong humuhubog sa budhi at pananagutan, nagiging posible ang pagtatayo ng isang lipunang may katarungan, kapayapaan, at kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 6,505 total reads

 6,505 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 44,156 total reads

 44,156 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 97,992 total reads

 97,992 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 161,338 total reads

 161,338 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 229,117 total reads

 229,117 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top