Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,781 total views

18th Sunday of Ordinary Time Cycle A
St John Mary Vianney Sunday
Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21

Ngayong Linggo ay St. John Vianney Sunday. Ito ang Linggo na pinakamalapit sa kapistahan ni San Juan Maria Vianney. Siya ay ang patron ng mga kura paroko. Kaya ngayong araw ipinagdarasal natin ang ating mga kura paroko – ang mga pari na nangangalaga ng ating mga parokya. Sila sana ay maging banal tulad ni San Juan Maria Vianney. Huwag lang nating pangarapin na magkaroon tayo ng magagaling na pari. Pangarapin natin na sila ay maging mga banal na pari. Magkakaroon tayo ng second collection sa mga misa natin ngayong Linggo para sa patuloy na paghuhubog ng ating mga kaparian.

Ang mabuting balita sa atin ngayong Linggo ay ang alok ng Panginoon sa pamamagitan ni Propeta Isaias: “Ang mga walang salapi ay kumuha rito at bumili ng pagkain… bumili kayo, ngunit walang bayad.” Ang alok na ito ay tinupad ni Jesus sa ating ebanghelyo. Ibig nang pauwiin ng mga kasama ni Jesus ang mga tao, kasi mag-gagabi na. Buong araw silang nakikinig kay Jesus. Ubos na ang baon nila. Marahil marami ay gutom na. Marami sila, higit na limang libong tao. Sana maghanap na sila ng kanilang pagkain. Ang utos ni Jesus ay maliwanag: “Kayo ang magbigay sa kanila ng pagkain. Madalas mangyari sa atin – sa harap ng malalaking problema, ang solusyon natin ay magkanya-kanya na lang ang mga tao upang mag-survive.

Marami tayo ngayong hinaharap na problema – tumataas na ang bilihin, marami ang walang trabaho, kulang ang pagkain, magulo ang politika, at marami pang iba. The big temptation is: kanya-kanya na lang tayo. Bahala na ang bawat isa maghanap ng pagkain o mag-survive sa ganitong situasyon. Pero hindi! Narinig natin ang salita ni Jesus: Pakainin ninyo sila!

Ano ang maibibigay natin? Tayo nga ay hirap na. Wala naman tayong kakayahan o anumang resources. Kaya madaling sabihin, wala naman kami, tulad ng sinabi ng mga alagad ni Jesus: Wala naman kami kundi limang tinapay at dalawang isda lamang! Pero para sa Diyos, walang maliit, walang kakaunti. Ilagay natin ang kakaunti na mayroon tayo sa kamay ng Diyos at mararanasan natin ang milagro. Talagang nangyayari ang milagro kapag may tiwala tayo sa Diyos at hindi sa ating sariling kakayahan. Walang imposible sa Diyos. Gumagawa siya ng mga bagay na hindi man natin ma-imagine kung generous lang tayo. Hindi man na-imagine ng mga alagad paano mapapakain ang higit na limang libong tao ng limang tinapay at dalawang isda. Pero napakain ang lahat at may sobra pang labingdalawang bakol!

Sa totoo lang, hindi naman talagang wala na tayo. Hindi lang natin nailalagay sa wastong gamit ang mayroon tayo. Kaya nga ang tanong ni propeta Isaias ay: “Bakit ginugugol ang salapi sa mga bagay na hindi nakabubusog? Bakit inuubos ang pera sa mga bagay na walang halaga?” Ngayong panahon ng kahirapan, inaanyayahan tayo na huwag ng gumastos na hindi nag-iisip. Gamitin nang maayos ang mayroon tayo. Ang paggamit nang maayos ay hindi iyong para lang sa atin. Kapag tumutulong tayo, ginagamit natin nang maayos ang mayroon tayo. In the kingdom of God, what is given multiplies; ang ating ibinabahagi ay bumabalik din sa atin.

Yes, marami ngayon ay nagugutom. Sa ating bansa mga 5.2 million na mga pamilya ay kulang sa pagkain. Pero higit sa marami pa dito ang gutom sa ibang aspeto ng buhay. Gutom sila sa kahulugan sa buhay. Marami ay walang direksyon sa buhay at hindi nakakakita ng saysay sa mga nangyayari. Naguguluhan sila. Magtatapos ba kaya ang mga digmaan sa mundo? Bababa pa ba ang presyo ng gasolina? Titino pa ba ang ating pamahalaan? Kailan ba matututo ang mga Pilipino na pumili ng maayos na mamumuno sa kanila na hindi lang nagpapayaman sa sarili? Marami ang naguguluhan. Kaya si Jesus, bago nagbigay ng tinapay at isda ay nangaral muna sa mga tao. Jesus is known more as a teacher than as a provider for bread. Ilang beses lang siya nagbigay ng pagkain ngunit palagi siyang nangangaral. Kaya narinig natin sa unang pagbasa: “Makinig kayo sa akin at sundin ang utos ko at matitikman ninyo ang pinakamasarap na pagkain. Pumarito kayo, kayo ay lumapit at ako’y pakinggan, makinig sa akin nang kayo’y mabuhay.”

Hindi ba sinabi din ni Jesus: Ang tao ay hindi lang nabubuhay sa tinapay ngunit sa bawat Salita na nanggagaling sa bibig ng Diyos? Kaya patuloy na nangangaral ang simbahan, maging katanggap-tanggap man ito sa mga tao, o hindi. Kailangang ipahayag ang Salita ng Diyos. Ito ang magbibigay ng tunay na buhay sa bawat isa sa atin at sa bayan. Ang Salita ng Diyos ang nagbibigay ng direksyon sa atin. Ito ay nagbibigay ng sigla sa ating buhay.

Sa ating ikalawang pagbasa narinig natin ang sinabi ni San Pablo: Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos – kahit na paghihirap, kahit na espada, kahit na nga kasalanan pa natin – hindi tayo nito mahihiwalay sa Diyos na nagmamahal sa atin. Kahit na anumang kasalanan natin – hindi natin masasabi na hindi na tayo mahal ng Diyos. Mas malaki ang kasalanan, mas mahal nga tayo ng Diyos kasi sinabi ni Jesus na naparito siya hindi para sa mga matuwid kundi para sa mga makasalanan. He came not to judge and to punish, but to save. Ang katotohanang ito ay nagbibigay saysay at sigla sa ating buhay. Hindi tayo pababayaan ng Diyos na nagtaya ng kanyang sarili para sa atin. Binibigay ng Diyos ang kanyang Salita at ang kanyang Katawan mismo para sa atin. At ang mga ito ay natatanggap natin sa Banal na Misa. Kaya may obligasyon tayong magsimba kada Linggo kasi mahalaga ang misa para sa atin. Pinapalakas tayo ng Diyos sa Banal ng Misa. Pinapakain niya tayo!

Gusto ba natin ng buhay? Sundin natin ang mga utos ng Diyos! Tanggapin natin ang kanyang Salita. Tanggapin natin ang kanyang katawan sa Banal na Misa. Ito ay ang pagkaing libre na nagpapalakas sa ating paglalakbay sa buhay na ito. Sa Banal na Misa pinapakain tayo sa dalawang lamesa – ang lamesa ng Salita ng Diyos at ang lamesa ng katawan ni Kristo. Libre ang mga ito na inaalok sa atin. Linggo-linggo tayong magsimba upang upang makinabang sa pagkaing ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sino ang papasan ng system-loss?

 6,719 total views

 6,719 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 158,774 total views

 158,774 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 183,682 total views

 183,682 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Pax Silica

 222,979 total views

 222,979 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 249,753 total views

 249,753 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily July 26, 2026

 10,494 total views

 10,494 total views 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 15,840 total views

 15,840 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »

Homily July 12, 2026

 23,414 total views

 23,414 total views 15th Sunday in Ordinary Time Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23 Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula

Read More »

Homily July 5, 2026

 33,974 total views

 33,974 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle A Zec 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30 “Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa

Read More »
Scroll to Top