Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, nababahala sa pagkawala ng pondo ng Most Sacred Heart of Jesus Parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,304 total reads

Nagpahayag ng pagkadismaya at pagkabahala ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa sa naiulat na pagkawala ng tinatayang ₱3 milyong pondo mula sa Most Sacred Heart of Jesus Parish sa Rio Tuba, Bataraza, Palawan.

Tiniyak naman ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pakikiisa ng bikaryato sa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng naiulat na pagkawala ng pondo ng Simbahan.

Sa inilabas na pahayag ng Obispo, inilarawan ng Bikaryato ang insidente bilang isang nakalulungkot at nakababahalang pangyayari na nangangailangan ng masusing pagsisiyasat upang matukoy ang tunay na nangyari.

“Nakalulungkot at nakababahala ang naiulat na pagkawala ng tinatayang tatlong milyong piso mula sa Most Sacred Heart of Jesus Parish sa Rio Tuba, Bataraza, Palawan.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Mesiona.

Ayon sa Bishop Mesiona, buong pakikipagtulungan ang ibinibigay ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa sa mga kinauukulang awtoridad upang mapabilis ang paglilinaw sa insidente at matukoy ang katotohanan sa pagkawala ng tinatayang ₱3 milyong pondo ng parokya.

Nanawagan din ang Bikaryato sa sinumang may impormasyon na maaaring makatulong sa imbestigasyon na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang makatulong sa paglutas ng kaso.

“Buong pakikipagtulungan ang ibinibigay ng Bikaryato sa kasalukuyang imbestigasyong isinasagawa ng mga awtoridad upang matukoy ang katotohanan at malinawan ang mga pangyayari.

Hinihikayat din namin ang sinumang may impormasyong makatutulong sa imbestigasyon na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad.” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Kasabay nito, hiniling ni Bishop Mesiona ang panalangin ng mga mananampalataya upang manaig ang katotohanan at katarungan.

“Hinihiling namin ang panalangin ng lahat upang manaig ang katotohanan at katarungan.” Apela ni Bishop Mesiona.
Sa harap ng insidenteng ito, hinihikayat ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa panalangin at igalang ang proseso ng imbestigasyon upang lubos na maitaguyod ang katotohanan, katarungan, at pananagutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 65,667 total reads

 65,667 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 152,165 total reads

 152,165 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 195,200 total reads

 195,200 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 244,960 total reads

 244,960 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 402,988 total reads

 402,988 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top