51-taong pagkakatatag, ipinagdiriwang ng Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,859 total reads

Ipinagdiriwang ng Cathedral-Shrine and Parish of the Good Shepherd o mas kilala bilang Novaliches Cathedral ngayong Agosto ang ika-51 anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya, kasabay ng muling pagbabalik-tanaw sa mahigit limang dekadang paglago ng pamayanan sa pananampalataya at paglilingkod.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, ibinahagi ni Rev. Fr. Albert Delvo – rector at parish priest ng Novaliches Cathedral na mula sa isang maliit na kapilya ay naging ganap itong parokya, dambana, at kalaunan ay naging katedral ng Diyosesis ng Novaliches.

“Mula sa maliit na community hanggang naging parish, naging shrine, at naging cathedral—vibrant in worship and, at the same time, vibrant equally in service.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Delvo sa Radyo Veritas.

Ayon sa Pari, isinasabuhay ng Novaliches Cathedral ang misyong nakapaloob sa kanilang slogan na “Gathered in worship, scattered for service in the mission.”

Ibinahagi rin ni Fr. Delvo ang kasaysayan ng Simbahan na nagsimula bilang isang maliit na kapilya sa panulukan ng Commonwealth Avenue at Regalado Avenue sa Fairview, kung saan noong Agosto 1975 ay itinatag ito bilang parokya, naging Archdiocesan Shrine noong Abril 1985, at noong Disyembre 7, 2002 ay pormal na naging katedral ng Diyosesis ng Novaliches.

Bukod sa mga gawaing espirituwal at liturhikal, ipinagmalaki rin ni Fr. Delvo ang mga mahahalagang programa ng katedral kabilang na ang Balik-Handog Program ng parokya na mayroon nang mahigit isang libong kasapi.

Pagbabahagi ng Pari, nakalilikom ang programa ng humigit-kumulang ₱250,000 hanggang ₱350,000 bawat buwan, o halos ₱3.5 milyon kada taon, na ginagamit para sa mga programang pangkatekesis sa mga pampublikong paaralan, mga gawaing pangkawanggawa, social action initiatives, at pagbuo ng mga Basic Ecclesial Communities.

“At iyan ang ginagamit po namin para sa mga catechetical programs that serve the public schools in the jurisdiction ng Shrine and Parish. Gayundin sa mga humanitarian at social action programs sa parish and shrine, catering to the less fortunate and financially challenged families. Tapos, mayroon din tayong formation, creation, and nurturing of communities.” Ayon pa kay Fr. Delvo.

Binigyang-diin din ng Pari ang kahalagahan ng paghubog ng mabuting pamumuno at integridad sa hanay ng mga mananampalataya.

“We are advancing leadership after the Heart of Jesus, fostering and strengthening integrity among the parishioners.” Dagdag pa ni Fr. Delvo.

Ayon sa Pari, mahalagang bahagi ng misyon ng Simbahan ang paglinang ng mabuting asal at karakter, lalo na sa panahong nahaharap ang lipunan sa mga hamon sa mabuting pamamahala.

“Kaya iyan ang ating binibigyan ng diin—formation in character din po.” Ani Fr. Delvo.

Bilang sentro ng pastoral na paglilingkod ng Diyosesis ng Novaliches, saklaw ng parokya ang East at West Fairview, kung saan tinatayang may 82,000 residente at humigit-kumulang 75 porsiyento sa mga ito ay Katoliko, habang hindi lamang mga taga-Fairview ang nagsisimba sa katedral kundi maging ang mga mananampalataya mula sa mga karatig-lugar.

Pagtiyak ni Fr. Delvo, sa loob ng 51 taon nananatiling tapat ang Novaliches Cathedral sa misyon nitong maging tahanan ng panalangin, sentro ng ebanghelisasyon, at bukal ng paglilingkod sa kapwa sa pamamagitan ng pagsamba, pagkakawanggawa, paghubog ng pananampalataya, at pagpapaunlad ng integridad ng bawat mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 64,257 total reads

 64,257 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 150,755 total reads

 150,755 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 193,790 total reads

 193,790 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 243,550 total reads

 243,550 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 401,661 total reads

 401,661 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top