Official nautical chart ng Bajo de Masinloc, isinumite ng Pilipinas sa UN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,318 total reads

Pormal nang isinumite ng Pilipinas sa United Nations ang opisyal na nautical chart ng Bajo de Masinloc at mga nakapaligid nitong katubigan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, isinagawa ang pagsusumite ni Philippine Permanent Representative to the United Nations Enrique Manalo alinsunod sa Article 16 ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Batay sa DFA, layunin ng pagsusumite na maidokumento ang opisyal na maritime entitlements ng Pilipinas at mapanatili ang mga ito bilang bahagi ng opisyal na talaan ng United Nations.

Sinabi rin ng ahensya na mahalaga ang hakbang sa pagpreserba ng mga maritime claim ng bansa, kabilang ang posibleng epekto ng climate change at pagtaas ng antas ng dagat.

Ayon naman kay Palace Press Officer Claire Castro, bahagi ito ng patuloy na hakbang ng pamahalaan kaugnay ng West Philippine Sea at sa pagsusulong ng mga karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng UNCLOS at ng 2016 Arbitral Award.

“Mahalaga rin ito sa pagpreserba ng opisyal na record ng mga maritime entitlement ng bansa sa harap ng epekto ng climate change sa pagtaas ng lebel ng dagat,” ayon kay Castro.

Matatandaang ilang ulit nang iginiit ng administrasyong Marcos na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagtatanggol sa mga karapatan nito sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng mapayapa at legal na pamamaraan.

“Isa lang ang hakbang na ito ng pamahalaan na naglalayong mapanatili sa kaisipan ng bawat Pilipino at ng buong mundo ang mga karagatan ng Pilipinas lalong lalo na ang West Philippine Sea,” dagdag pa ni Castro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 62,667 total reads

 62,667 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 149,165 total reads

 149,165 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 192,200 total reads

 192,200 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 241,960 total reads

 241,960 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 400,129 total reads

 400,129 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top