2-pisong fare hike, panawagan ng transport group sa LTFRB

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,080 total reads

Umapela ang MANIBELA sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na agad magpatupad ng provisional fare increase upang maibsan ang patuloy na pagkalugi ng mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan habang isinasagawa ang pagdinig sa kanilang petisyon.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Mar Valbuena, chairperson ng MANIBELA, na kabilang ang kanilang grupo sa mga naghain ng petisyon para sa taas-pasahe, kasama ang iba pang sektor ng pampublikong transportasyon tulad ng UV Express at motorcycle taxi operators.

Ayon kay Valbuena, magkakaiba ang hiling ng bawat sektor ngunit iisa ang layunin na matugunan ang tumataas na gastusin sa operasyon.

“Naglatag tayo ng solusyon na kung saan sana ay magkaroon muna ng provisional fare increase kasi hirap na hirap na po talaga ang sektor ng pampublikong transportasyon.” Bahagi ng pahayag ni Valbuena sa Radyo Veritas.

Ipinahayag din ni Valbuena ang pangamba sa posibleng matagal na pagdinig sa mga petisyon matapos lumabas na maaaring umabot ng tatlong linggo ang proseso.

“Kailan pa po kami makakatikim ng fare increase kung ganito po katagal at kahaba na didinggin ang aming mga petisyon?” Ayon pa kay Valbuena.

Hiniling din ng MANIBELA na sa mga susunod na pagdinig ay dumalo na ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Department of Energy, Department of Finance, at Department of Economy, Planning, and Development, upang direktang maipaliwanag ng mga ahensya ang mga usaping may kaugnayan sa presyo ng langis at iba pang salik na nakaaapekto sa pamasahe.

Sa petisyon ng MANIBELA, hiniling ng grupo na alisin ang umiiral na suspensyon sa nakabinbing ₱1 fare increase at aprubahan pa ang karagdagang ₱1 taas-pasahe upang makatulong sa pagharap sa tumataas na presyo ng mga produktong ginagamit sa operasyon sa pampublikong transportasyon.

“Sa LTFRB po kasi may naaprubahan na sila nung Marso sinuspend lang ito ng Malacañang, ang panawagan natin sa ating Pangulo na sana ma-lift na yung suspension at ipatupad na itong fare increase po at kung hindi naman po mangyayari ito ay magkakaroon na naman-po ng sunod-sunod na protesta at mga tigil pasada.” Dagdag pa ni Valbuena.

Ayon kay Valbuena, kapag naaprubahan ang kabuuang ₱2 dagdag-pasahe, magiging ₱15 na ang minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeepney.

Bagama’t kinikilala ng MANIBELA ang pangangailangang maprotektahan ang kapakanan ng mga commuter, iginiit ng grupo na nararapat ding mabigyan ng agarang tulong ang mga tsuper at operator na patuloy na nahaharap sa tumataas na gastusin sa kanilang kabuhayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 61,310 total reads

 61,310 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 147,807 total reads

 147,807 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 190,843 total reads

 190,843 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 240,603 total reads

 240,603 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 398,834 total reads

 398,834 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top