PBBM, nagpahayag ng pagbati kay Filipinas tennis star Alex Eala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,251 total reads

Kaisa ng sambayanang Pilipino, binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Filipina tennis star Alex Eala matapos itong magtala ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipinong kampeon sa Women’s Tennis Association o WTA 500 singles tournament.

Ayon sa Pangulo, muling nagbigay ng karangalan sa bansa si Eala at pinatunayan na kayang makipagsabayan ng mga atletang Pilipino sa pinakamataas na antas ng pandaigdigang kompetisyon.

“Congratulations on yet another historic achievement. You continue to redefine what is possible for Philippine tennis and inspire countless young Filipinos to dream without limits,” ayon sa mensahe ni Pangulong Marcos.

Binigyang-diin din ni Marcos na nagsisilbing inspirasyon si Eala sa kabataang Pilipino upang mangarap nang malaki at magsikap na maabot ang kanilang mga layunin.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo ang patuloy na suporta ng sambayanang Pilipino kay Eala sa mga susunod pa nitong laban sa international circuit.

Sa kanyang kampanya patungo sa tagumpay sa Washington D.C., tinalo ni Eala ang ilang nangungunang manlalaro sa mundo, kabilang ang reigning Olympic champion na si Zheng Qinwen, defending champion na si Leylah Fernandez, world No. 10 na si Elina Svitolina, four-time Grand Slam champion Naomi Osaka, at world No. 3 na si Jessica Pegula.

Ang tagumpay ni Eala ang kauna-unahang WTA 500 singles title na naipanalo ng isang Pilipino sa kasaysayan ng propesyonal na tennis.

Una na ring hinikayat ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga kabataang Pilipino na higit na pahalagahan ang mabuting pagkatao kaysa sa kasikatan at tagumpay, kasabay ng pagkilala sa Filipina tennis star na si Eala bilang huwaran ng kababaang-loob, sipag, tiyaga at pananampalataya.

Ayon sa arsobispo, mahalagang magkaroon ng mga huwarang hindi lamang kilala sa kanilang tagumpay kundi nagpapakita rin ng integridad, kabutihan at malasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 62,669 total reads

 62,669 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 149,167 total reads

 149,167 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 192,202 total reads

 192,202 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 241,962 total reads

 241,962 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 400,131 total reads

 400,131 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top