Mananampalataya, hinimok na makiisa sa signature campaign against political dynasty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,897 total reads

Hinikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga pari, mga itinalagang lingkod ng Simbahan, at mga layko ng Diyosesis ng Imus na makiisa sa signature campaign na naglalayong wakasan ang umiiral na political dynasties sa bansa.

Sa Circular Letter No. 28, Series of 2026, sinabi ng Obispo na pangangasiwaan ng Ministri sa Pagmamalasakit sa Bayan (MPB) ng Diyosesis ang pagsasagawa ng signature campaign katuwang ang Dapat Isa Lang (D1L) Movement, isang koalisyon ng mga civic, religious, at advocacy groups na itinatag noong Mayo 8, 2026.

Hinimok ng Obispo ang lahat ng parokya, mga paaralan, religious institutes, at iba pang komunidad sa loob ng Diyosesis ng Imus na aktibong makibahagi sa naturang kampanya bilang pagpapakita ng malasakit sa kinabukasan ng bansa.

Binigyang-diin ni Bishop Evangelista na hangad ng inisyatiba na wakasan ang siklo ng political dynasties, labanan ang katiwalian, at mabigyan ng pagkakataon ang mas marami pang karapat-dapat na mamuno para sa kabutihang panlahat.

“I encourage our faithful in all parishes, schools, religious institutes, and communities to participate and vote for the end of political dynasties in our country through our signature campaigns,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Evangelista.

Ayon sa Obispo, layunin ng koalisyon na isulong ang pagpapatibay ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng People’s Initiative, bilang tugon sa matagal nang kawalan ng aksyon ng Kongreso sa usaping ito.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Evangelista ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa bawat mananampalataya para sa katarungan at pananagutang panlipunan.

“May our participation and discernment be constantly inspired by the Lord’s call for justice and social responsibility.” Dagdag pa ni Bishop Evangelista.

Matatandaang una ng lumagda si Bishop Evangelista sa naturang petisyon ng isinagawa ng Dapat Isa Lang (D1L) Movement ang National Signing Day para sa isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng people’s initiative noong Hunyo 12, 2026 kasabay ng Araw ng Kalayaan sa St. Jude Parish School sa Trece Martires.

Ayon sa Obispo, ang naturang hakbang ay isang pagkikibahagi at pakikiisa ng Simbahan sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at responsableng pakikilahok ng mamamayan sa mga usaping panlipunan na kaakibat ang pagsusulong ng katarungan, pananagutan, at pamumunong nakatuon sa kabutihang panlahat, alinsunod sa panlipunang katuruan ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SIMPLENG LOHIKA

 15,091 total reads

 15,091 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 93,478 total reads

 93,478 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 137,787 total reads

 137,787 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 174,787 total reads

 174,787 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 281,429 total reads

 281,429 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top