Confidite, Ego Vici Mundum” (“Take Courage! I Have Overcome the World”), tema ng WYD 2027

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,389 total reads

Opisyal ng inilabas ang theme song ng World Youth Day 2027 bilang hudyat ng isang taong countdown bago ang pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataang Katoliko na gaganapin sa Seoul, South Korea mula Agosto 3 hanggang 8, 2027, na inaasahang dadaluhan ni Pope Leo XIV.

Pinamagatang “Confidite, Ego Vici Mundum” (“Take Courage! I Have Overcome the World”), ang opisyal na awitin ay hango sa mensahe ni Hesus sa Ebanghelyo ni San Juan na naghihikayat sa mga mananampalataya na magtiwala at magkaroon ng tapang sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

Kasabay rin ng paglulunsad ng official theme song ay ang pagsisimula ng isang global tree-planting campaign na inspirasyon ng encyclical ni Pope Francis na Laudato Si’, bilang pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan at sa ating nag-iisang tahanan.

Ayon kay Archbishop Peter Soon-taick Chung – President ng Local Organizing Committee for World Youth Day (WYD) Seoul 2027, nakatuon ang paghahanda ng Simbahan sa Korea upang maging makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya ang World Youth Day.

“We will do everything possible to make WYD Seoul 2027 a celebration of hope and a witness to the hospitality and solidarity of Korea and Seoul,” Bahagi ng pahayag ng Arsobispo.

Dagdag pa ng Arsobispo, ang nalalabing isang taon ay ilalaan sa masusing paghahanda upang maipamalas ang mainit na pagtanggap sa mga kabataang magmumula sa iba’t ibang panig ng mundo.

“The year ahead will be the time to complete our preparations and welcome young people from every part of the world.” Dagdag pa ng Arsobispo.

Ang nakatakdang World Youth Day Seoul 2027 ay maituturing na kauna-unahang WYD na gaganapin sa isang bansang hindi Kristiyano ang mayorya ng populasyon at ikalawang pagkakataon lamang na idaraos ito sa Asya, kasunod ng ginanap na World Youth Day sa Pilipinas noong 1995.

Patuloy na itinataguyod ng World Youth Day ang pagkakaisa ng mga kabataang Katoliko mula sa iba’t ibang bansa, kultura, at wika sa iisang pananampalataya kay Kristo.

Sa pamamagitan ng tema nitong “Take Courage! I Have Overcome the World,” inaanyayahan ang mga kabataan na maging mga saksi ng pag-asa, tapang, at pagmamahal ni Kristo sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SIMPLENG LOHIKA

 16,246 total reads

 16,246 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 94,633 total reads

 94,633 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 138,943 total reads

 138,943 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 175,942 total reads

 175,942 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 282,550 total reads

 282,550 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top