Little Sister of Jesus, ipinagdiwang ang ika-50 taong paglilingkod sa mga mahihirap sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 360 total views

Muling pinagtibay ng Little Sisters of Jesus ang kanilang misyon na mamuhay kasama ng mga mahihirap at maging tagapagtaguyod ng kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.

Ito ang binigyang-diin ng kongregasyon sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng kanilang paglilingkod sa Pilipinas sa August 15, na gaganapin sa San Roque Parish sa Mandaluyong City, at pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ayon sa kongregasyon, ang limang dekada ng kanilang presensya sa bansa ay hindi lamang paggunita sa nakaraan kundi pagpapatibay din sa kanilang misyon na patuloy na makiisa sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan, lalo na ng mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“The congregation gives thanks for fifty years of God’s faithful love throughout their journey in the Philippines, and renews its commitment to move forward together in hope.”

Sinariwa ng kongregasyon ang kanilang pagdating sa Pilipinas noong 1976 sa paanyaya ng yumaong Marawi Bishop Bienvenido Tudtud upang maging tahimik na saksi ng dayalogo at pananampalataya sa noo’y bagong-tatag na Prelatura ng Marawi.

Bagama’t hindi naitatag ang planong komunidad sa Marawi dahil sa kakulangan ng mga miyembro at sa nagpapatuloy na kaguluhan sa rehiyon, sinabi ng Little Sisters na nanatili silang tapat sa misyong ipinagkatiwala sa kanila.

“They have remained faithful to that call by carrying in their hearts and prayers the hope for peace, reconciliation, and unity among peoples.”

Sa loob ng limang dekada, pinili ng kongregasyon na mamuhay kasama ng mga magsasakang walang sariling lupa, mga manggagawa sa pabrika, mga kasambahay, mga impormal na manggagawa, at mga migranteng komunidad bilang kongkretong pagsasabuhay sa misyon at buhay ni Hesus sa Nazareth.

Ayon sa Little Sisters, sa pakikibahagi sa buhay ng mga karaniwang tao nila natatagpuan ang tahimik na presensya ng Diyos at ang pag-asang mabuo ang isang lipunang higit na makatarungan at nagbubuklod sa kapatiran.

Sa temang ‘Celebrating God’s Fidelity,’ inialay ng kongregasyon ang kanilang pagdiriwang bilang pasasalamat sa Simbahan sa Pilipinas at muling pagpapatibay na ipagpatuloy ang pamumuhay sa pagiging payak, panalangin, masipag sa paggawa, at mas maigting na pakikipagkapwa ayon na rin sa diwa at espirituwalidad ni St. Charles de Foucauld at ng kanilang tagapagtatag na si Little Sister Magdeleine of Jesus.

Bilang pagtatapos ng kanilang mensahe, muling ipininaalala ng Little Sisters ang espirituwal na habilin ng kanilang tagapagtatag na si Little Sister Magdeleine of Jesus na patuloy na nagsisilbing gabay sa kanilang bokasyon:
“Bearing witness to Jesus, you will live in the midst of humankind as leaven in the dough.”

Kasunod ng banal na misa ay isasagawa ang Jubilee fellowship at isang natatanging preview ng Awit ng Nazaret, isang aklat ng panalangin at pagninilay ni Little Brother Bernard Jaqueneau na inedit nina Fr. Albert Alejo, SJ, at Judith Alpay, bago ang opisyal nitong paglulunsad sa Setyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi nakatutuwang biro

 9,699 total views

 9,699 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 44,150 total views

 44,150 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 196,205 total views

 196,205 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 221,114 total views

 221,114 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Pax Silica

 259,647 total views

 259,647 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top