OVP, kulang sa isinimuteng documentary evidence sa paggamit ng confidential fund

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,661 total reads

Inihayag ng Commission on Audit o COA sa Senate Impeachment Court na may kabuuang ₱375 milyong confidential funds ng Office of the Vice President o OVP noong 2023 na naglalaman ng mga gastusing kulang sa kinakailangang dokumento at may mga paggastos na hindi pinahihintulutan sa ilalim ng umiiral na mga patakaran.

Sa pagdinig, tumestigo si COA state auditor Roderick Wamil, dating miyembro ng Intelligence and Confidential Funds Audit Office, na sinuri nila ang tatlong cash advance na tig-₱125 milyon na inilabas sa OVP sa unang tatlong quarter ng 2023.

Ayon kay Wamil, kabilang sa mga iniulat na gastusin ang pondo para sa medical at food assistance, gayundin ang incentives at travel expenses na hindi kasama sa mga pinahihintulutang paggamitan ng confidential funds batay sa Joint Circular No. 2015-01.

“Kapag hindi po kasama doon, hindi po pwedeng paggamitan ng kanilang confidential fund,” ayon kay Wamil sa ginawang direct examination ng private prosecutor na si Atty. Lorna Kapunan.

“Ang significance po ng disbursement voucher na ito, ito po kasi ’yung mag-i-initiate ng kanilang pag-process ng cash advance,” ayon pa kay Wamil.

Sinabi rin ng auditor na walang kalakip na mga resibo, patunay ng pagbabayad, o iba pang suportang dokumento ang ilan sa mga iniulat na gastusin.

Bukod dito, sinabi ni Wamil na may milyun-milyong pisong inilaan bilang reward sa mga impormante ngunit walang kalakip na ebidensyang nagpapatunay na nagresulta ang mga ito sa matagumpay na intelligence o surveillance operations, gaya ng hinihingi ng mga alituntunin.

Kinilala rin ni Wamil ang mga disbursement voucher, liquidation report, accomplishment report at iba pang dokumentong pirmado ni Vice President Sara Duterte.

“Based on these documents po, sinertify ng Vice President na ’yung kanyang cash advances ay kailangan, naaayon sa batas, at incurred under her direct supervision,” dagdag pa ng testigo.

Batay sa mga dokumento, pinagtibay ng Bise Presidente na ang mga cash advance ay kinakailangan, naaayon sa batas, isinagawa sa ilalim ng kanyang direktang pangangasiwa, at natupad ang layunin ng mga ito.

Dagdag pa ng COA auditor, hindi rin tinukoy sa physical at financial plan ng OVP ang mga partikular na confidential activities na paglalaanan ng pondo, na isa rin sa mga rekisito ng umiiral na joint circular.

Ang testimonya ni Wamil ay bahagi ng presentasyon ng House prosecution ng mga ebidensya kaugnay ng Article I ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na may kaugnayan sa sinasabing maling paggamit ng confidential funds.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 65,029 total reads

 65,029 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 151,527 total reads

 151,527 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 194,562 total reads

 194,562 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 244,322 total reads

 244,322 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 402,386 total reads

 402,386 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top