Magsasagawa si Pope Leo XIV ng 11-araw na Apostolic Journey sa Uruguay, Argentina, at Peru mula Nobyembre 6 hanggang 17, ayon sa inanunsyo ng Holy See Press Office.
Batay sa inilabas na schedule, bibisitahin ng Santo Papa ang Montevideo, Paysandú, at Florida sa Uruguay mula Nobyembre 6 hanggang 8. Susunod naman ang paglalakbay sa Buenos Aires, Córdoba, at Luján sa Argentina mula Nobyembre 8 hanggang 11, bago magtungo sa Lima, Chiclayo, Cusco, at Pucallpa sa Peru hanggang Nobyembre 17.
Itinuturing na makasaysayan ang pagbisitang ito, lalo na sa Uruguay na may pinakamababang porsiyento ng mga Katoliko sa buong Latin America, kung saan tinatayang nasa 36 porsiyento lamang ng populasyon ang kabilang sa Simbahang Katolika.
Magiging makahulugan rin ang pagdalaw ng Santo Papa sa Argentina, na siyang sinilangang-bayan ng yumaong Pope Francis. Sa kabila ng kanyang 12 taong panunungkulan bilang pinuno ng Simbahang Katolika, hindi nakabalik si Pope Francis sa kanyang sariling bansa bilang Santo Papa.
May natatanigi ring kaugnayan si Pope Leo XIV sa Peru, kung saan nagsimula ang kanyang gawaing misyonero noong dekada ’80. Dito rin siya nagsilbing obispo at kalaunan ay naging mamamayan ng naturang bansa.
Sa kabuuan, bibisita ang Santo Papa sa 10 lungsod sa loob ng 11 araw, bilang bahagi ng kanyang misyon na palakasin ang pananampalataya, hikayatin ang pagkakaisa ng Simbahan, at makipagtagpo sa mga mananampalataya sa iba’t ibang bahagi ng Latin America.
Ito ang magiging ikaanim na international apostolic journey ni Pope Leo XIV mula nang mahalal bilang Santo Papa.
Jerry Maya Figarola
Friday, August 7, 2026 2:41 pm
1,083 total views
Nilagdaan ngayong araw ng Pag-IBIG Fund at Landers Superstore ang Memorandum of Agreement (MOA) sa Landers Superstore Aseana upang palawakin ang mga benepisyong matatanggap ng mga miyembro ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, layunin ng kasunduan na mabigyan ng mas maraming napapanahong benepisyo ang may 17-milyong aktibong miyembro ng PAG-IBIG Fund kabilang ang mga hindi pa nangangailangan ng housing o multi-purpose loan.
“Sa ating mga pag-ibig members, pumunta na kayo dito sa Landers, dalhin nyo ang iyong loyalty card plus, pwede na kayong mag-shopping kahit wala kayo ng membership card. Initially, hindi na.Pero mas maganda kung pagkatapos nilang mag-shopping kasi para forever na silang member ng Landers,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Acosta.
Ayon kay Acosta na bukod sa pagiging cash card, nagsisilbi ring daan ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus upang makakuha ng mga diskwento, espesyal na alok, at reward points mula sa lumalawak na hanay ng mga partner establishments ng ahensya.
Binigyang-diin din ni Acosta na malaking bahagi ng buwanang gastusin ng maraming pamilyang Pilipino ang pamimili ng grocery kaya’t makatutulong ang bagong partnership upang makabawas sa kanilang gastusin dahil ang bawat pisong matitipid sa mga pangunahing pangangailangan ay maaaring mailaan sa edukasyon, pamasahe, bayarin sa kuryente at tubig, o maging dagdag na ipon sa MP2 Savings Program.
“We are truly grateful to Lander’s Superstore for joining us in this mission.Together, we are making the Pag-ibig Loyalty Card Plus even more rewarding and meaningful for our members.As we sign this Memorandum of Agreement today, we reaffirm our commitment to helping Filipino families save more, spend wisely, and enjoy greater value from their pag-ibig membership.To our friends from Lander Superstore, thank you for your trust and partnership. Maraming salamat po at congratulations to all of us,” bahagi pa ng mensahe ni Acosta sa gawain.
Sa bisa ng kasunduan na nagsimula noong August 01 hanggang October 31 ngayong taon, maaaring makakuha ang mga may hawak ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus ng libreng Landers Shopping Pass, libreng Landers Premium Membership sa minimum na single-receipt purchase na 3-thousand pesos, at pagkakataong mag-upgrade sa Executive Membership sa halagang 300-pesos lamang, magagamit ang mga benepisyong ito sa 16 na kalahok na Landers Superstore branches sa buong bansa.
Jerry Maya Figarola
Friday, August 7, 2026 2:40 pm
1,082 total views
Nanawagan ang Church People–Workers Solidarity (CWS) nang kagyat na pagpapatupad na ng 85-pesos wage hike minimum na sahod sa National Capital Region (NCR), kasunod ng pansamantalang pagpigil sa implementasyon nito dahil sa Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas kaugnay ng petisyong inihain ng dalawang construction company.
Ayon kay CWS National Chairperson San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, iginiit na ang pagkaantala sa pagpapatupad ng wage increase ay nagdudulot ng dagdag na pasanin sa mga manggagawang patuloy na nahaharap sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, mababang kita, at tumitinding gastusin sa pagkain, transportasyon, pabahay, kalusugan, edukasyon, at iba pang pangangailangan.
Giit ng Obispo, bagama’t kabilang ang 85-pesos wage adjustment sa pinakamalalaking wage hike sa mga nakalipas na taon, nananatili pa rin itong malayo sa isinusulong na family living wage na ngayon ay umaabot na sa 1,300-pesos upang masuportahan ng isang manggagawa ang sarili o pamilyang may limang miyembro.
“Even with the full adjustment, the NCR minimum wage remains significantly below the estimated family living wage, which studies place at more than ₱1,200 per day for a family of five. Inflation continues to erode workers’ purchasing power, while the costs of food, transportation, housing, healthcare, education, and utilities continue to rise. The wage adjustment itself is therefore not excessive. Rather, it represents only a modest step toward restoring the dignity of labor and helping workers meet their families’ most basic needs. To postpone even this limited relief places an additional burden on those who already bear the greatest weight of today’s economic challenges,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza
Ipinahayag din ng CWS ang pangamba sa legal na implikasyon ng TRO, na maaaring sumalungat sa layunin ng umiiral na mga batas sa paggawa na tiyakin ang maagap na pagpapatupad ng mga wage order.
Hinimok ng grupo ang kagyat na pag-alis sa TRO, paggalang sa mga batas ng labor laws hinggil sa implementasyon ng wage orders, pagpapatuloy ng dayalogo sa pagitan ng pamahalaan, mga employer at labor groups, at pagsusulong ng mga tunay na pagbabagong maglalapit sa minimum wage sa tunay na family living wage.
“We, the Church people, walks with you in your struggle for justice, dignity, and decent work. Your labor is not merely an economic contribution; it is a participation in God’s continuing work of creation. We pray—and earnestly hope—that government, employers, labor organizations, the courts, faith communities, and all sectors of society will work together so that economic progress truly becomes inclusive, just, and life-giving for all,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.
Sa huli, Binigyang-diin ng CWS na ang makatarungang suweldo ay hindi lamang usaping pang-ekonomiya kundi usapin din ng dignidad ng tao at panlipunang katarungan.
Ang apela ng CWS ay kahanay ng ensiklikal na Rerum Novarum ni Pope Leo XIII na nagsasabing, “To defraud anyone of wages due to a lowly worker is a crime which cries to the anger of heaven,” bilang paalala sa moral na pananagutan ng lipunan na tiyakin ang makatarungan at napapanahong sahod para sa mga manggagawa.
4,973 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o
80,425 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa
111,707 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas. Sa isang privilege
143,724 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay
295,726 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,
7,001 total views Iginiit ng House prosecution panel sa Senate Impeachment Court na dapat dinggin at pagpasyahan ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte
5,657 total views Inihayag ng Commission on Audit o COA sa Senate Impeachment Court na may kabuuang ₱375 milyong confidential funds ng Office of the Vice
5,619 total views Pormal nang isinumite ng Pilipinas sa United Nations ang opisyal na nautical chart ng Bajo de Masinloc at mga nakapaligid nitong katubigan. Ayon
4,407 total views Kaisa ng sambayanang Pilipino, binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Filipina tennis star Alex Eala matapos itong magtala ng kasaysayan bilang kauna-unahang