Pope Leo XIV, hinimok ang mananampalataya na tuklasin ang tunay na diwa ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,345 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na muling tuklasin ang tunay na diwa ng panalangin sa gitna ng lumalawak na impluwensya ng teknolohiya, agham, at kulturang nakatuon sa konsumerismo.

Sa kanyang General Audience nitong Agosto 5 sa St. Peter’s Square, sinabi ng Santo Papa na unti-unting nawawala ang pagpapahalaga ng tao sa panalangin dahil sa pananaw ng makabagong lipunan at sa labis na pag-asa ng tao sa agham at teknolohiya.

“In our time, in contexts dominated by an efficiency-driven and consumerist mindset, prayer may seem pointless and trivial,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ikinalungkot ng punong pastol na binabago ng agham at teknolohiya ang pananaw ng tao sa pananalangin.

“In a world where science and technology claim to provide all the answers, praying may appear to be a form of escapism,” aniya.

Nagbabala rin ang Santo Papa na maging sa loob ng mga pamilyang Kristiyano ay humihina na ang pagpapamana ng tradisyon ng pananalangin sa susunod na henerasyon.

Dahil dito, iginiit ni Pope Leo ang pangangailangang muling maunawaan ang tunay na kahalagahan ng panalangin bilang mahalagang bahagi ng buhay ng tao.

“Prayer, however, as a fundamental dimension of our humanity, is worth rediscovering in its true form,” giit ng Santo Papa.

Sa pagpapatuloy ng kanyang serye ng katesismo tungkol sa Sacrosanctum Concilium, ang Konstitusyon ng Ikalawang Konseho ng Vaticano hinggil sa Banal na Liturhiya, ipinaliwanag ni Pope Leo XIV na ang liturhiya ay pangunahing lugar ng pakikipagtagpo ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Hesukristo.

Hinimok din ng pastol ang mga binyagan at mga pamayanang Kristiyano na higit pang isabuhay ang Liturgy of the Hours, na inilarawan niyang mahalagang panalangin ng Simbahan at dapat maging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga mananampalataya.

“Every week and every day, the Eucharist and the Liturgy of the Hours are the breath of the life of the Church,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ayon kay Pope Leo XIV, sa pamamagitan ng panalangin ng Simbahan ay higit na naiuugnay ang bawat Kristiyano sa Misteryong Paskuwal ni Kristo at napapalalim ang kanilang pag-asa habang hinihintay ang maluwalhating pagbabalik ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 52,717 total reads

 52,717 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 139,215 total reads

 139,215 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 182,252 total reads

 182,252 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 232,011 total reads

 232,011 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 390,739 total reads

 390,739 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top