Pope Leo, magsasagawa ng 11-araw na apostolic journey

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,420 total reads

Magsasagawa si Pope Leo XIV ng 11-araw na Apostolic Journey sa Uruguay, Argentina, at Peru mula Nobyembre 6 hanggang 17, ayon sa inanunsyo ng Holy See Press Office.

Batay sa inilabas na schedule, bibisitahin ng Santo Papa ang Montevideo, Paysandú, at Florida sa Uruguay mula Nobyembre 6 hanggang 8. Susunod naman ang paglalakbay sa Buenos Aires, Córdoba, at Luján sa Argentina mula Nobyembre 8 hanggang 11, bago magtungo sa Lima, Chiclayo, Cusco, at Pucallpa sa Peru hanggang Nobyembre 17.

Itinuturing na makasaysayan ang pagbisitang ito, lalo na sa Uruguay na may pinakamababang porsiyento ng mga Katoliko sa buong Latin America, kung saan tinatayang nasa 36 porsiyento lamang ng populasyon ang kabilang sa Simbahang Katolika.

Magiging makahulugan rin ang pagdalaw ng Santo Papa sa Argentina, na siyang sinilangang-bayan ng yumaong Pope Francis. Sa kabila ng kanyang 12 taong panunungkulan bilang pinuno ng Simbahang Katolika, hindi nakabalik si Pope Francis sa kanyang sariling bansa bilang Santo Papa.

May natatanigi ring kaugnayan si Pope Leo XIV sa Peru, kung saan nagsimula ang kanyang gawaing misyonero noong dekada ’80. Dito rin siya nagsilbing obispo at kalaunan ay naging mamamayan ng naturang bansa.

Sa kabuuan, bibisita ang Santo Papa sa 10 lungsod sa loob ng 11 araw, bilang bahagi ng kanyang misyon na palakasin ang pananampalataya, hikayatin ang pagkakaisa ng Simbahan, at makipagtagpo sa mga mananampalataya sa iba’t ibang bahagi ng Latin America.

Ito ang magiging ikaanim na international apostolic journey ni Pope Leo XIV mula nang mahalal bilang Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 50,558 total reads

 50,558 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 137,058 total reads

 137,058 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 180,095 total reads

 180,095 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 229,854 total reads

 229,854 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 388,755 total reads

 388,755 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top