Matinding epekto ng Pax Silica sa likas na yaman at komunidad, dapat masusing pag-aralan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,704 total views

Nagbabala ang Advocates of Science and Technology for the People (AGHAM) na dapat masusing pag-aralan ang Pax Silica dahil sa posibleng matinding epekto nito sa likas-yaman, mga komunidad, at sa tunay na pakinabang na matatanggap ng mga Pilipino.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan ng Radio Veritas, sinabi ni Dr. Chuckie Calsado, chairperson ng AGHAM, na hindi lamang simpleng pagtatayo ng artificial intelligence (AI) hub ang saklaw ng Pax Silica kundi bahagi ito ng mas malawak na pandaigdigang plano upang matiyak ang suplay ng mahahalagang mineral para sa semiconductor at AI industries.

Ayon kay Calsado, mayaman ang Pilipinas sa mga mineral na kailangan sa makabagong teknolohiya ngunit nananatiling malaking tanong kung tunay bang makikinabang ang bansa sa naturang proyekto.

“So, kung nakaangkla ‘yung Pax Silica sa usapin ng mina, ano ‘yung magiging epekto nito sa kabuhayan at doon sa buhay ng mga tao sa ating mga komunidad?” Bahagi ng pahayag ni Calsado.

Binigyang-diin niya na batay sa karanasan ng bansa sa industriya ng pagmimina, kadalasang mga katutubo, magsasaka at mangingisda ang direktang naaapektuhan ng malawakang pagmimina at iba pang extractive industries.

Aniya, mula pa noong 2012 ay kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming paglabag sa karapatang pantao laban sa mga environmental defenders, habang nananatiling maliit lamang ang naiaambag ng pagmimina sa kabuuang ekonomiya ng bansa.

“For several years, ang maximum na na-receive natin sa GDP sa usapin ng mining ay 1%. So, tataas ba ‘to sa usapin ng Pax Silica? Pero kung tumaas man, again, babalikan natin ‘yung epekto dun sa ating mga communities.” Dagdag pa ni Calsado.

Iginiit din ng AGHAM ang pangangailangan ng higit na transparency mula sa pamahalaan kaugnay ng proyekto, kabilang ang paglalabas ng environmental impact studies at iba pang mahahalagang dokumento.

Isa rin sa ikinababahala ng grupo ang napakalaking pangangailangan ng AI data centers sa tubig at kuryente.

Ayon kay Calsado, batay sa kanilang pagsusuri, maaaring umabot sa humigit-kumulang pitong porsiyento ng kabuuang konsumo ng kuryente ng bansa ang kakailanganin ng planong AI hub sa Clark pa lamang, habang malaki rin ang magiging pangangailangan nito sa suplay ng tubig.
Nagbabala rin ang AGHAM na kung hindi malinaw ang plano ng pamahalaan, maaaring maapektuhan ang suplay ng tubig at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa gitna ng banta ng matinding El Niño ngayong taon.

“Saan natin kukunin ang lahat ng ito? Resource-intensive ‘tong AI centers natin, hyperscale data center na tinatawag. At kung tayo nga mismo ngayon, umuulan pero mababa pa rin ‘yung tubig sa Angat Dam, or every now and then napapadalas na ‘yung dry spells natin. At wala pa tayo sa kalakasan ng El Niño this year, so mababa na ‘yung tubig. What more if we put something that will require a lot of water?” Ayon pa kay Calsado.

Bukod sa usapin ng kalikasan, kinuwestiyon din ng grupo ang ipinapangakong libu-libong trabaho mula sa Pax Silica.

Ayon kay Calsado, mahalagang alamin hindi lamang ang dami kundi ang kalidad ng mga trabahong malilikha.

Ipinaliwanag ng AGHAM na sa mga AI data center, limitado lamang ang direktang empleyo dahil sa mataas na antas ng automation, habang nananatiling hindi tiyak kung magkakaroon ng tunay na technology transfer at pangmatagalang benepisyo para sa mga Pilipino.

“They are saying thousands of jobs. But the other question is, what is the quality? What kind of jobs?” Ani Calsado.

Para sa AGHAM, dapat tiyakin ng pamahalaan na ang anumang kasunduang may kaugnayan sa Pax Silica ay magbibigay ng tunay na pakinabang sa bansa at hindi lamang magbubukas ng mas malawak na eksploitasyon sa likas-yaman at lakas paggawa ng Pilipinas.

Kaugnay nito, paulit-ulit na binibigyang-diin ng Simbahang Katolika sa mga panlipunang katuruan nito, kabilang ang Laudato Si’ ni Pope Francis, na ang pag-unlad ay hindi dapat isulong kapalit ng pagkasira ng kalikasan at paglabag sa dignidad ng tao.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 7,030 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 23,577 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 49,271 total views

 49,271 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 121,334 total views

 121,334 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 152,616 total views

 152,616 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 184,632 total views

 184,632 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 334,266 total views

 334,266 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 5,985 total views

 5,985 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top